Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Showbiz newbie Joaquin Domagoso is no spoiled brat

by Rommel Gonzales
Nov 3, 2019
Showbiz newbie Joaquin Domagoso is definitely no spoiled brat. He says, “Maybe I was spoiled, but in terms of being spoiled as a kid, no. I always denied stuff because I don’t like using other people’s money. That’s what I don’t like, and that’s why I really wanted to start in showbiz rin.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Dahil anak siya ni Manila Mayor Isko Moreno, marami ang nag-aakalang spoiled si Joaquin Domagoso sa kanyang ama.

Paglinaw ng showbiz newbie, “I had better stuff than other people, like compared to what my dad had before.

“Maybe I was spoiled, but in terms of being spoiled as a kid, no.

“I always denied stuff because I don’t like using other people’s money.

"That’s what I don’t like, and that’s why I really wanted to start in showbiz rin.”

Ayaw raw niyang umaasa sa iba para sa mga pangangailangan niya, dagdag pa ng 18 anyos na binata.

Kaya hindi nakakagulat na walang sariling kotse si Joaquin kahit anak siya ng mayor.

Ayaw daw niya kasing bumili.

“It’s so expensive,” bulalas ni Joaquin.

Ayaw rin niyang magpabili sa kanyang ama.

Lahad niya, “I don’t plan to ask for a car, it’s so mahal!

"With the tax nowadays, after the Train Law? Oh my gosh!’

Continue reading below ↓

Ano ang pumapasok sa isip niya kapag nakakakita siya ng ibang kaedad niya na nagmamaneho na ng kani-kanilang sasakyan?

“Wow, pa-ride! Kaibigan mo ako, can I ride?’ at tumawa si Joaquin.

“No, actually may mga friends ako, yung cars nila, sariling bili, as in tyinaga nila.

"Mga car guys, di ba? Deal-deal sila lagi.”

Bakit hindi niya ginawa iyon?

Aniya, “Hindi ako marunong mag-drive, and magastos ang kotse, di ba? Gas, insurance...”

NOT YET READY FOR LOVE

Dahil siya'y guwapo, anak ng mayor at nag-aartista na, lapitin ba ng mga girls si Joaquin?

“Wala po, wala po.

"I try to push away coz I’m not yet ready.

"After what I did before, nagka-relationship po ako before, e. Hindi pa ako ready.

“And you know, it happens naman e, love happens anytime. Hindi mo lang alam.

"I don’t wanna push myself to look. You will find lang.”

May crush si Joaquin.

Continue reading below ↓

“Yung nakikita ko na maganda,” natatawang hirit niya.

Crush niya ang Kapuso actress na si Sanya Lopez at ang Kapamilya female star na si Yllona Garcia.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Joaquin noong Martes, October 15, sa Simon’s Place Restobar kung saan humarap sila ni Charo Laude, ang reigning Mrs. Universe-Philippines 2019 sa members ng media.

Iisa ang manager nina Charo, Mayor Isko at Joaquin, ang talent manager na si Wowie Roxas o Daddy Wowie.

Magkatuwang sina Joaquin at Charo sa mga advocacies ni Charo tulad ng medical mission at feeding program.

Magbibida si Joaquin sa upcoming movie, ang Jolly Spirit Squad.

ADVICE FROM DAD

Ano na ang best advise sa kanya ng ama niya ngayong artista na rin si Joaquin?

“Listen, always listen. Parang ganun. Listen to your manager, listen to your co-artists...

“And be careful. Because now that you’re out in the real world, everybody’s watching. Parang ganun.”

Continue reading below ↓

NO BODYGUARDS

Walang bodyguard si Joaquin dahil ayaw daw niya. Lagi naman raw siyang maraming kasamang kaibigan kapag lumalabas.

Binibigyan raw siya dati ng bodyguard pero tinanggihan niya.

“We’re not that sobrang special na, ‘Be careful,’ parang ganun. We don’t have enemies that big.”

Pero ang ama niya, dahil mahusay ito at efficient na mayor, tiyak na may mga naiiinggit at kagalit sa pulitika.

“Pero like sa mga anak niya, like if people will go to us, hindi naman. And we’re very private naman, like not naman everyone knows where we go.”

Pero artista na siya so public property na rin siya.

“Kaya nga, so I will try to be more private.

“Do you know where James Reid is right now? O, di ba, hindi mo alam?” ang natatawang hirit ni Joaquin to prove his point na hindi naman porke artista ay malalaman agad ng publiko ang whereabouts.

“Kasi once you get more public, nagiging more private ka rin,” paninigurado niya.

Continue reading below ↓

LEARNING TO LIVE WITHIN HIS MEANS

Kumikita na sa showbiz si Joaquin. Pero humihingi pa ba siya ng baon sa tatay niya?

“We have an incentive nga sa bahay, e. If you want to get your allowance, dapat pumasok ka.

"So kung hindi ka papasok, wala kang allowance.”

So humihingi pa siya?

“My baon naman is two hundred e,” ang napaka-candid na rebelasyon ni Joaqun.

Nakakaipon pa raw siya sa halagang iyon.

“Oo, okay na yun!”

Inihahatid naman raw siya sa school kaya wala siyang gastos sa pamasahe.

“And ang lunch sa school is like sixty-five pesos to eighty-five pesos depending on the meal.

"Kung may meat, mas expensive. Kung noodles, mas cheap, di ba?

“'Tapos, tubig, okay na! 'Tapos after class, yung sa stick, fishball pero hotdog binibili ko.”

GUILTY PLEASURES

Tinanong namin si Joaquin kung ano ang mga guilty pleasures niya.

“V-Cut!” pagtukoy niya sa sikat na local brand ng potato chips.

Noong Pasko raw last year, dahil alam ng lahat na paborto niya iyon ay niregaluhan siya ng isang tito niya ng limampung pakete ng V-Cut.

Continue reading below ↓

“Wala pang three weeks, naubos ko!” natatawa niyang pag-amin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie Joaquin Domagoso is definitely no spoiled brat. He says, “Maybe I was spoiled, but in terms of being spoiled as a kid, no. I always denied stuff because I don’t like using other people’s money. That’s what I don’t like, and that’s why I really wanted to start in showbiz rin.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results