Bida agad si Hashtag Kid Yambao sa pelikulang Two Love You, kung saan love triangle sila nina Yen Santos at Lassy Marquez.
“Super saya na nakaka-pressure, kasi first time ko itong pelikulang ito, tapos, sumabay pa yung teleserye.
“Feel ko, blessed na ako sa lahat ng ito. Hayun, masayang-masaya ako dahil may trabaho ako.”
Kinuwento ni Yen na may kissing scene sila sa Two Love You kung saan pareho raw silang nadala ni Kid sa eksena.
Biro pa ng ABS-CBN actress, iba palang humalik ang mas bata tulad ni Kid.
“Oo, napakahaba. Kasi, nadadala kami sa emosyon. Simula hallway iyun hanggang papasok ng pintuan. Nakakadala lang iyung eksena kasi.
“Mas masarap sa akin ang nakakatanda. Mas gusto ko ang mas nakakatanda sa akin. Ten years gap, okay, pasok,” sabi ng 20-anyos na actor-dancer.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Two Love You noong October 30 sa Play Hub Events Place, Sct. Madriñan St., QC.
Halos lahat ng nakarelasyon ni Hashtag Kid ay mas matanda sa kanya.
"Mayroon, 16 ako, ten years gap. Mas bata? Para ngang wala, e. Di ko nga alam, e. Nasa lahi siguro namin.
“Kasi, pamilya ko, erpats ko, tito ko, ganun. Mas matatanda ang mga babae sa amin."
Nabanggit ni Yen na maaaring makipagrelasyon siya sa lesbiyana o bading. Sang-ayon si Hashtag Kid sa sinabi ni Yen.
"Oo naman, kasi, di naman natin puwedeng sabihin, di natin alam ang mangyayari sa future kung kanino ba talaga ako babagsak.
"Sa babae ba o sa lalake ba? Di natin alam, malay natin, sa straight pa, e. Di natin masasabi."
