PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Domingo reveals her one condition before agreeing to do a teleserye

Kim Domingo thankful to Bubble Gang for respecting her “konti lang namang restrictions”
by Jet Hitosis
Published Nov 6, 2019
Kim Domingo is thankful to the country's longest-running gag show, Bubble Gang, "kasi inirespeto po nila kung anuman yung gusto ko nang mangyari ngayon." Bubble Gang is celebrating its 24th anniversary this November 2019 with a two-part superhero telemovie special, “The ScAvengers.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagpapasalamat si Kim Domingo na kabilang pa rin siya sa mainstays ng longest-running gag show ng GMA-7, ang Bubble Gang.

Ito ay kahit pa matagal na niyang tinalikuran ang pagpapa-sexy, dahil mas gusto niyang makilala bilang drama actress.

Nagsimula bilang model, Internet personality, at calendar girl, si Kim ay naging bahagi ng Bubble Gang mula nang maging contract star siya ng GMA noong 2015.

“Alam naman po ninyong lahat na nag-start talaga ako as pa-sexy talaga,” sabi ng 24-anyos na French-Filipina actress sa mga entertainment reporters na dumalo sa grand media conference para sa 24th anniversary ng Bubble Gang.

Ginawa ang press con sa GMA Network nitong Lunes, November 4.

Dagdag ni Kim, “From the very start, wala akong restrictions sa kung ano mang isuot ko sa Bubble Gang. Hanggang sa dumating na nga sa point na nagkaroon na nang konti lang naman.

“Pero hangga’t maaari, e, ginagawa ko pa rin naman para sa Bubble,” ani Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, sinabi ni Kim na “napakalaki” ng utang na loob niya sa multi-awarded gag show.

“Thankful po ako sa Bubble, at sa lahat ng bumubuo ng Bubble, kasi inirespeto po nila kung anuman yung gusto ko nang mangyari ngayon.

“Napakalaking utang na loob ko talaga sa Bubble Gang na until now, kahit na medyo nabawasan na yung pagpapa-sexy ko, nandito pa din ako," ani Kim.

Dahil dito, priority ni Kim ang Bubble Gang, kaya naman may malinaw siyang kondisyon kapag tumatanggap ng teleserye.

“Pinaalam ko talaga na kapag mayroon akong serye, yung Monday ko huwag kukunin," sabi ni Kim.

“Monday ko kasi is for Bubble Gang. Hangga't kaya, ang Monday ko talaga hindi ko ibinibigay, talagang pag Bubble [Gang], Monday talaga.”

Tuwing Lunes ang taping ng Kapuso gag show, na napapanood tuwing Biyernes ng gabi.

HOME OF SEXY STARS

Sa nakalipas na 24 na taon, marami nang sexy stars ang nagsimula at sumikat nang naging mainstays sa Bubble Gang, tulad nina Rufa Mae Quinto, Ara Mina, Diana Zubiri, Maureen Larrazabal, at Francine Prieto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karaniwang nagpapa-sexy ang mga female cast members ng gag show, na kilala sa mga naughty jokes nito.

Sa kasalukuyan, kabilang sa Bubble Gang girls sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Lovely Abella, Denise Barbacena, Analyn Barro, at Arny Ross.

Para sa 24th anniversary ng Bubble Gang, ipalalabas ang two-part superhero telemovie special nitong “The ScAvengers” sa November 15 at 22.

Isang parody ng worldwide blockbuster Marvel movie na The Avengers, gaganap si Kim bilang Black Panty, na kabilang sa mga superheroes na kakalaban kay Alan Peter Kuya Thanos—na gagampanan ng Bubble Gang creative director na si Michael V.

Superheroes din sina Antonio Aquitania bilang Thorpe, Paolo Contis as Plantsa Man, Boy 2 Quizon bilang Captain American Tiki Tiki, Sef Cadayona bilang Hukay-Ukay, Betong Sumaya as Hulkluban, Mikoy Morales bilang Squatterman, Archie Alemania as Mang Stan, Analyn bilang Regyula, at Chariz as Gumorah.

KIM HAS BEEN TURNING DOWN SEXY ROLES SINCE 2018

Abril ngayong taon nang sabihin ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na siya tatanggap ng sexy roles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunman, nauna rito, noong December 2018 ay umurong si Kim sa isang teleseryeng gagawin niya kasama sina Max Collins at Jason Abalos.

Katwiran noon ni Kim, masyado raw sexy ang character na gagampanan niya bilang isang mistress na na-obsess sa kanyang lover.

Si Sophie Albert ang pumalit kay Kim sa nabanggit na teleserye, ang Bihag, na umere sa GMA 7 noong April hanggang August ngayong taon.

Gayunman, sa isang interview nitong Oktubre, sinabi ni Kim na maaari pa rin naman siyang gumanap nang sexy sa pelikula "depende sa kuwento."

“Iyon nga po ang sabi ko, depende talaga sa scenario, depende sa kuwento. Why not, di ba?" sabi noon ni Kim, habang nagpo-promote ng una niyang pelikula niya, ang Kiko en Lala.

“Kasi, sabi ko, hindi ko naman po talaga totally isinasarado yung pintuan. Kasi, imposible naman na kung magkaroon ng project na maganda, di ba, tapos may halong ganun, di ba, why not? Kung para naman sa movie," sabi pa ni Kim nang ma-interview noong nakaraang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo is thankful to the country's longest-running gag show, Bubble Gang, "kasi inirespeto po nila kung anuman yung gusto ko nang mangyari ngayon." Bubble Gang is celebrating its 24th anniversary this November 2019 with a two-part superhero telemovie special, “The ScAvengers.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results