Vice Ganda reveals he and Ion Perez have been in a relationship for one year

by Bernie V. Franco
Nov 6, 2019
Vice Ganda on admitting his relationship with Ion Perez: "Mas masarap kumilos, hindi nakakangawit, wala kang iniisip…"
PHOTO/S: Noel Orsal / @praybeytbenjamin on Instagram

“One year na kami.”

Ito ang pag-amin ni Vice Ganda tungkol sa relasyon nila ni Ion Perez.

Inamin nina Vice at Ion ang kanilang relasyon noong October 26, 2019, Sabado, araw ng performance ni Vice sa “Magpasikat” ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

“Freedom is bliss,” pahayag ng comedian-host sa video interview niya na ipinost sa Facebook account ng Tonight With Boy Abunda, nitong Martes, November 5.

“It’s liberating.

“Mas masarap kumilos, hindi nakakangawit, wala kang iniisip…

“Mas ne-enjoy namin yung buhay.”

Sabi pa ni Vice, ganito rin ang nararamdaman ni Ion.

“He’s very happy with it,” pakli niya.

Ikinuwento rin ng comedian-TV host ang kaibahan ng relasyon nila ni Ion kumpara sa kanyang mga naging boyfriend noon.

“I’m very happy. I’m very happy, kasi dati, yun ang iniinda kong sakit, e.

“Bakit parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking nakakarelasyon ko o minamahal ko?”

Kaya wala raw choice si Vice kundi itago kung sino ang kanyang mga nakakarelasyon.

Continue reading below ↓

Nagbago raw ang pananaw niya nang maging magkarelasyon sila ni Ion.

Hindi raw kasi nahihiya si Ion na ipaalam sa publiko ang namamagitan sa kanila.

“Yung nararamdaman kong ganoon dati, bakit ko ipaparamdam kay Ion na hindi ko siya mai-out at hindi ko masabing direktahan…

“Kasi siya nauna, e. Siya yung nagpo-post noon pa, e, sa Instagram.

“Ako bihira.”

Isa sa pinakauna at malinaw na indikasyon tungkol sa espesyal na relasyon nina Vice at Ion ay nang i-post ng binata ang tattoo niya sa binti na nagtataglay ng numeric numbers ng birthday ni Vice noong July 2019.

Madalas ding mag-post si Ion sa Instagram Story ng videos ni Vice, na kalaunan ay may captions na nagpapahayag ng kanyang espesyal na pagtingin sa Kapamilya star.

Hindi na rin nagulat ang marami nang aminin ni Vice sa wakas ang kanilang relasyon noong huling linggo ng October.

Dagdag pa ni Vice, “Sabi ko, deserve ni Ion ‘to kasi mabuti naman siyang tao, bakit ko siya ikahihiya, di ba?

Continue reading below ↓

“Ako lang ito, o.

“Proud na proud siya.”

Ikinatuwa rin ni Vice na naging supportive ang publiko nang aminin nila ni Ion ang kanilang relasyon.

“I am very happy and overwhelmed dahil talaga yung reaksiyon nila…

“Yung post ko nga sa Instagram, more than 800,000 likes na."

Ang tinutukoy ni Vice ay ang larawan nila ni Ion na kuha mula sa kanilang Japan trip.

Sabi pa niya, “Sabi ko, ang ganda ng suporta ng mga tao, parang mahal na mahal kami ni Ion.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on admitting his relationship with Ion Perez: "Mas masarap kumilos, hindi nakakangawit, wala kang iniisip…"
PHOTO/S: Noel Orsal / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results