Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli are now engaged

by Jet Hitosis
Nov 7, 2019
Matteo Guidicelli posts on Instagram two sweet photos of him with longtime girlfriend Sarah Geronimo, the singer-actress visibly wearing a diamond engagement ring.
PHOTO/S: @matteog on Instagram

Ikakasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ito ang hindi direkta pero malinaw na mensahe ng Instagram post ni Matteo, 29, ngayong Huwebes, November 7.

Kalaunan, nakumpirma rin ang good news sa TV Patrol ng ABS-CBN ngayong Huwebes ng gabi, dahil inamin mismo ito ng newly engaged couple.

Sa Instagram post ni Matteo, may dalawang litrato sila ni Sarah, 31, kung saan pareho silang ngiting-ngiti habang pabirong sinasakal siya ng singer-actress.

Kitang-kita naman sa parehong litraro ang malaking diamond engagement ring na nasa kaliwang ring finger ni Sarah.

Caption ni Matteo: “I love you my love, now and forever. (heart emoji)”

View this post on Instagram

I love you my love, now and forever. ??

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

CONGRATULATIONS!

Bumaha naman ang pagbati ng mga kapwa celebrities at fans para kina Sarah at Matteo sa naturang Instagram post ng huli.

Kabilang sa nagpaabot ng pagbati para kina Matteo at Sarah sina Vina Morales, Bianca Manalo, Gary Valenciano, Martin Nievera, Angel Locsin, Bea Alonzo, Luis Manzano, Ogie Alcasid, KC Concepcion, Vina Morales, Alex Gonzaga, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

SIX YEARS TOGETHER

Noong nakaraang buwan lang nag-celebrate ng kanilang sixth anniversary sina Sarah at Matteo.

Sa Bali, Indonesia bumiyahe ang dalawa.

Sa katunayan, napaulat nitong September ang hinala ng kanilang fans na magpo-propose na si Matteo kay Sarah.

Hanggang sa mailathala ang report na ito ay walang social media post si Sarah tungkol sa engagement nila ni Matteo.

Continue reading below ↓

Hindi naman kataka-taka ito dahil sadyang hindi aktibo sa social media at hindi regular na nagpo-post ang dalaga.

THE NEXT BRIDE

Nitong September lang ay dumalo si Sarah sa bridal shower ng nakababatang kapatid ni Matteo na si Giorgia Guidicelli.

Si Sarah ang napili ni Giorgia na maging maid of honor sa kasal ng huli sa December ngayong taon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong October kay Matteo, nabanggit niyang “sana” ay mauwi rin sa kasalan ang relationship nila ni Sarah.

Sabi noon ni Matteo, “Sana, 'no? Twenty-nine years old na ako. Let's see.”

June 19, 2014 nang aminin sa wakas ni Sarah sa panayam sa kanya sa defunct nang Aquino and Abunda Tonight na boyfriend na niya si Matteo.

Bago iyon, ilang buwan nang umuugong ang espekulasyon na may relasyon na sina Matteo at Sarah dahil sa ilang beses na sightings sa kanila habang magkahawak-kamay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli posts on Instagram two sweet photos of him with longtime girlfriend Sarah Geronimo, the singer-actress visibly wearing a diamond engagement ring.
PHOTO/S: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results