PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban calls out ASAP for failing to announce she’s not part of Rome show

Angelica Panganiban apologizes to fan; asked ASAP: “Bakit hindi kayo nag-announce?”
by Jet Hitosis
Published Nov 10, 2019
Angelica Panganiban apologizes to fans who bought tickets for ASAP Natin 'To Rome, hoping to see her in person, saying she is not among the performers for the show, happening on Saturday, November 16.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Kinastigo ni Angelica Panganiban ang pamunuan ng ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP Natin ‘To sa kabiguang i-announce na hindi siya kasama sa Kapamilya artists na magpe-perform sa Rome, Italy sa susunod na linggo.

Nalaman lang ni Angelica na may mga fans pala siyang umaasa na kasama siya sa ASAP Natin ‘To Rome sa November 16 nang sabihan siya ng isa niyang Instagram follower na inaabangan siya nito sa nabanggit na show sa Italy.

Ayon sa komento ng netizen, na mahihinuhang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Belgium, pinakahihintay nila ang show ng ASAP sa Rome para makita si Angelica.

Post ng fan ni Angelica (published as is): “Sana. Miss Angelica .sa show niyo sa asap.iton nov 16.ay makalapit kami sayo.at makapapic sayo.ng maayos.napasaya namin.

“kasi galing pa kami belgium at inaabangan itong asap namin. na may rome italy.ilan days na.

“sana alam ko hirap makalapit segro sa inyo.pero hope. (heart and laughing with tears emojis)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA FEELS SORRY “FOR TAKING IT ON SOCIAL MEDIA”

Sinagot ni Angelica ang fan na hindi siya kabilang sa magpe-perform sa ASAP show sa Rome, kasabay ng paghingi ng paumanhin.

Kasunod nito, tinag ng 33-anyos na Kapamilya actress ang Instagram account ng ASAP sa kanyang tanong: “Bakit hindi sila na inform?”

Sinundan ni Angelica ang kanyang reply ng isang mensahe para sa pamunuan ng ASAP.

Post ni Angelica (published as is): “@iamangelicap @asapofficial meron din po akong supporters…. at iba po sa kanila bbyahe pa..

“matagal niyo ng alam na wala ako sa asap rome. Bakit hindi kayo nag announce? (Sorry for taking it on social media, hindi ko din to na expect)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FANS SAY ANGELICA WAS IN TFC ASAP TEASER

Ayon sa komento ng iba pang fans ni Angelica, sa ipinakikita raw na teasers ng ASAP Natin ‘To Rome sa TFC (The Filipino Channel) ay lagi umanong kasama ang aktres sa mga aabangang performers.

Sinabi ng isang follower ni Angelica na kaya lang siya bumili ng ticket “kc sa commercial kasama ka.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Himutok naman ng isa pa, “kung hinde si miss angelica naka pag rply akala ko talaga kasama siya.”

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang iba pang fans ni Angelica na hindi nila makikita ang aktres sa ASAP show sa Rome, para sa selebrasyon ng 25th anniversary ng TFC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong huling linggo pa ng Oktubre nagbabakasyon sa Europe si Angelica para roon magdiwang ng kanyang 33rd birthday nitong November 4.

Samantala, wala namang naging response ang ASAP sa mensahe sa kanila ni Angelica hanggang sa mailathala ang report na ito.

Gayunman, sa news release ng ABS-CBN nitong October 23, inisa-isa ang mga Kapamilya artists na magtatanghal sa ASAP Natin ‘To Rome—at hindi kabilang sa kanila si Angelica.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban apologizes to fans who bought tickets for ASAP Natin 'To Rome, hoping to see her in person, saying she is not among the performers for the show, happening on Saturday, November 16.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results