Dulce hopes Morissette Amon issues public apology to put closure on walkout issue

by Gorgy Rula
Nov 10, 2019
Dulce (left) prays that Morissette Amon (right) will take the initiative to issue a public apology to finally put closure on her unexpected walkout during Kiel Alo's concert at the Music Museum last week. “Kasi, let’s face it. May mga nagbayad, may mga talagang bumili dahil sa kanya. Baka ang iba pinapasoli pa ang bayad. Para lang din ma-settle ang lahat, a public apology will do. Yung pagpapakumbaba is the best thing to do at this point.”
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime / Instagram

Nagbigay si Dulce ng sarili niyang opinyon tungkol sa isyung pagwu-walkout ni Morissette Amon sa nakaraang birthday concert ni Kiel Alo sa Music Museum noong nakaraang linggo.

Isa lang naman daw ang ipinagdarasal ng veteran singer—na sana magpakumbaba si Morissette at humingi ng public apology sa ginawa niya sa naturang concert.

“That’s what I’m praying na gawin kasi that’s the easiest thing to do,” pahayag ni Dulce sa mediaconng The Greatest Show at Cuneta Astrodome ng Bida Man runner-up na si Jiro Custodio kagabi, November 9.

Ang Bida Man ay isa sa mga talent search segments ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Patuloy ni Dulce, “Ang pinakamadaling gawin ay ang magpakumbaba at humingi ng paumanhin.

"Ang bilis magpatawad ng tao. Kasi talagang… once na ginawa mo yun, ano pa ang gagawin mo kundi tanggapin at talagang…

"You know, magpasalamat tayo na dumating sa ganung pag-iisip na kaya naman pala niyang magpakumbaba at humingi ng paumanhin.

Continue reading below ↓

“Kasi, let’s face it, may mga nagbayad, may mga talagang bumili dahil sa kanya. Baka ang iba, ipinapasoli pa ang bayad.

“Para lang din ma-settle ang lahat, a public apology will do.

"Yung pagpapakumbaba is the best thing to do at this point."

NO PRE-CONCERT DISTRACTIONS

Bilang isang mang-aawit na madalas na mag-guest sa concerts, lalo na sa mga baguhan, ang isa raw sana sa ipinupunto ni Dulce ay mas mabuti sana kung hindi na muna magpa-interview o may ipapagawa pang iba bago ito mag-perform.

“Totoong nakaka-bother 'yan sa performance. Kaya madadalas nasasabihan, 'Ay, ang suplada! Ay, ang taray!'

"Totoo kasi na yung mind mo, napu-focus ka on the things that you are going to do.

“Ang hirap kung merong papasok dun sa area na yun. Hinahanda mo yung sarili mo.

"Hindi kasi biro yun kaya naiintindihan ko yung kalagayan na yun.

"And knowing na merong mga issues na hindi naman siya madaling sagutin, parang kailangan mo pa siyang i-sugar coat para lumabas na okay lang, but actually deep inside of that person is struggling siya talaga.

Continue reading below ↓

“Siguro hindi na talaga kinakaya ng isip na sinasaktan ang sarili kasi mayroong mga panahon na hindi na ma-cope ng… emotionally, hindi na niya ma-cope.

"Mabigat yun," seryosong pahayag ng tinaguriang Asia’s Timeless Diva.

Naiintindihan din daw ni Dulce ang kalagayan ng producer na napahiya sa sitwasyong yun.

“Siyempre, yung producer na nag-ayos ng sitwasyon, ng show, mahirap sa kanyang kalagayan, kasi siya rin yung naiipit.

“Kaya actually, dun sa nangyaring ito, meron talagang nakakaawa ang situation, parehong nagigipit.

“Kaya para sa atin, tulungan na lang nating makalampas, makaahon, lumipas lang din ito, kasi mahirap if you’ll just dwell on it, kasi masakit.

“Marami rin siyang pinuprotektahan na maaaring hindi alam ng publiko.

"Marami pang bagay na kailangan niyang protektahan, bilang involved ang pamilya,” saad ni Dulce.

ALL-OUT SUPPORT FOR JIRO

Napapangiting nagpahayag si Dulce na tinitiyak niyang walang walk-out na mangyayari sa partisipasyon niya sa concert ni Jiro Custodio, ang The Greatest Show na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa November 22.

Continue reading below ↓

Nung sa Walang Tulugan pa lang daw ay nakakasama na niya si Jiro, kaya kaagad siyang pumayag mag-guest sa naturang concert.

“Ang tawag nga sa akin kaladkarin kasi gustung-gusto kong ginawa yun.

"Kung puwede ko lang nga pagbigyan ang lahat, kung kaya lang ng katawan at ng araw, gusto ko talaga.

“Nung nakarating sa akin ito, nagpauna na ako agad na gusto kong gawin 'yan para sa kanya.

“Kasi, alam niyo ba kung gaano kahirap na nagsisimula ka, 'tapos walang sumusuporta sa 'yo?

“Naku! Alam na alam ko ang pakiramdam ng ganun na hirap ka.

“But it is still good to share your time at matulungan mo siya at ma-empower mo pa siya, ma-inspire to do the things that he loves to do,” pahayag pa ng batikang singer.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dulce (left) prays that Morissette Amon (right) will take the initiative to issue a public apology to finally put closure on her unexpected walkout during Kiel Alo's concert at the Music Museum last week. “Kasi, let’s face it. May mga nagbayad, may mga talagang bumili dahil sa kanya. Baka ang iba pinapasoli pa ang bayad. Para lang din ma-settle ang lahat, a public apology will do. Yung pagpapakumbaba is the best thing to do at this point.”
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results