Tiniyak ng singer na si Dave Lamar na maayos ang lagay ng kanyang girlfriend na si Morissette Amon matapos ang kontrobersiyal na pagwu-walkout nito sa isang concert noong nakaraang linggo.
Nitong weekend, kinumusta ng isang netizen kay Dave si Morissette.
Sumagot si Dave at tiniyak na mabuti ang lagay ng kanyang girlfriend.

Kasunod ng pagputok ng balita tungkol sa pagwu-walkout ni Morissette sa concert ng baguhang singer na si Kiel Alo, may ilang inspirational messages na ipinost si Dave sa social media.
Noong November 9, Sabado, post ni Dave (published as is): “Be kind. Don’t add to the crueleness of this world. Be considerate. Be compassionate.”
Nag-reply ang isang netizen kay Dave.
Sabi ng netizen: “Don’t use depression as an excuse to be a shitty person. Show remorse when you’ve done people wrong”
Simpleng sagot ni Dave: “Wow..”

Nang mabalita ang tungkol sa pagwu-walkout ni Morissette, ipinagtanggol siya ng kanyang fans sa social media.
May mga nagsabing nagkaroon ng anxiety attack si Morissette kaya hindi nakapag-perform at nag-walkout.
Ang iba naman, sinabing dapat unawain si Morissette dahil may pinagdadaanan daw itong depression.



Mula nang ibalita ang isyu ni Morissette ay hindi pa rin sumasagot ang kanyang kampo.
MORISSETTE PERFORMS AFTER THE CONTROVERSY
Tila mas maganda na nga ang lagay ni Morissette, kagaya ng pahayag ng kanyang boyfriend.
Nag-perform na kasi ang singer sa dalawang shows ng ABS-CBN.
Sumipot si Morissette sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo, November 10.
Kumanta sila ni Ben Adams ng English boyband na A1 para sa kanilang duet song na “This Is Christmas.”
Sumipot din ang singer kasama si Ben sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime ngayong Lunes, November 11, para i-promote ang kanilang Christmas song.
Kapansin-pansin naman ang ngiti ni Morissette sa parehong guest appearances.
MOIRA AND DONNALYN post about depression
Samantala, may mga post sa Twitter ang celebrities na sina Moira dela Torre at Donnalyn Bartolome hinggil sa mental health.
Noong November 8, 2019, may three-part tweet si Moira tungkol sa pagtatanggol at pag-unawa sa mga taong may mental health condition.
Wala siyang binanggit na pangalan, pero pinasalamatan siya ng ibang netizens dahil daw sa pagtatanggol nito kay Morissette.
May tweet din ang singer-actress na si Donnalyn kung saan ipinagtanggol niya si Morissette at nakiusap na tigilan na ang pamba-bash dito.
Paliwanag ni Donnalyn, ang pag-untog sa ulo ni Morissette ay maituturing na “serious mental situation.”
Saad niya, “Please stop the hate about Morisette. I read that she was banging her head on a wall before walking out. That is a serious mental situation.
"I’m telling you. You’re pushing a person standing on the edge of a building. [broken heart emoji]”
MORISSETTE’S WALKOUT ISSUE
November 6, Miyerkules, ginanap ang concert ng newbie singer na si Kiel Alo sa Music Museum, San Juan City, kung saan main guest niya si Morissette.
Pagkatapos ng show, nagpa-interview sa press ang producer ng show na si Jobert Sucaldito at ikinuwento ang ilang detalye bago mangyari ang pagwu-walkout ni Morissette.
Sumipot umano ang singer at nagkaroon pa ng rehearsal.
Ilang saglit bago magsimula ang show, ipina-interview sina Morissette at Kiel sa ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual.
Tinanong daw ni Mario si Morissette tungkol sa kanyang love life at hidwaan nito sa sa kanyang ama na si Amay Amon.
Sinabi rin ni Jobert na nakita niyang inuuntog ni Morissette ang kanyang ulo sa pader at diumano’y humahagulgol.
Nang magsimula na raw ang show ay biglang lumapit ang business manager ni Morissette kay Jobert para sabihing nagkaroon ng “medical emergency” ang singer at hindi na makakapag-perform.
Nakunan din sa video ang ginawang pagwu-walkout ni Morissette.
Ang depresyon ay seryosong usapin.
May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.
Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.
Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na hotline 24/7:
0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)
