PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Arjo Atayde get jealous of Maine Mendoza's kissing scene with Carlo Aquino?

Arjo Atayde on Maine Mendoza-Carlo Aquino kissing scene: "I don't want to see it."
by Allan Sancon
Published Nov 13, 2019
Arjo Atayde (left) on Maine Mendoza-Carlo Aquino kissing scene in Isa Pa With Feelings: "I don't want to see it."
PHOTO/S: Allan Sancon

Sa unang pagkakataon, nagkasama sa isang proyekto sina Arjo Atayde at Carlo Aquino.

Si Carlo ang kontrabida ni Arjo sa Season 2 ng iWant series na Bagman.

Aminado si Arjo na ilang beses niya napanood ang Isa Pa With Feelings, ang latest movie ni Carlo kasama si Maine Mendoza.

Sa November 9 press conference ng Bagman Season 2 na ginanap sa ABS-CBN compound, natanong si Arjo kung ano ang masasabi niya sa chemistry nina Carlo at ang GMA-7 actress na si Maine.

"I watched [Isa Pa With Feelings] four times, three times," sagot ni Arjo tungkol sa movie ng kanyang rumored girlfriend na si Maine.

"Magaling po talaga si Carlo. I knew he could pull it off. It was just him doubting himself.

"But people believed he could pull it off and he did it."

Nang tanungin naman si Arjo tungkol sa pagganap ni Maine bilang leading lady ni Carlo, ito ang naging sagot niya:

"More proud. We're proud of each other. I'm very proud of her also and that's one of her best performances. I'm really happy for her."

Nagselos ba si Arjo sa kissing scene ni Maine with Carlo sa Isa Pa With Feelings?

"Hindi po. I watched it but as a human being, I’m a guy, I don’t want it, I don't want to see it. But it’s part of our work.

"Bakit ako magseselos?"

Nagbigay rin si Arjo ng paalaala kay Maine nang gawin niya ang intimate scene na ito.

"I don't think any person will be okay with your girl kissing another guy pero it's part of our work. Sabi ko kay Maine, it's part of our work."


ON BAGMAN SEASON 2.

Ang online series na Bagman Season 2 ay written and directed by Shugo Praico.

Ani Shugo tungkol sa socio-political action drama series na ito, "Nagsimula si Arjo as barbero na naging bagman ni governor, ngayon governor na siya. So mas mataas na ang corruption na pinasok niya."

Matatandaang ginampanan ni Arjo sa unang season ang papel ni Benjo Malaya, isang barberong umangat sa buhay sa mundo ng pulitika at katiwalian at naging gobernador.

Gagampanan naman ni Carlo ang karakter na si Emman, isang hitman na bumaril kay Benjo sa unang yugto.

Ani Arjo tungkol sa kanyang karakter: “It just an honor to work with Carlo, because this guy is not just a character actor but also a leading man, for him being part of Bagman Season 2 help us to make it successful.

"How do I prepare sa mga eksena namin Carlo? I don’t prepare, mas magaling
ang ka-eksena ko, mas hindi ako nagpe-prepare because I know my character.
The only thing I need to do is be ready.

"Carlo is a brilliant actor. I’m a fan as well, pagdating namin sa eksena I don’t prepare, we just focus...know the character kung saan galing at saan papunta.

"Pag nasa set na kasi, surprise na lang namin ang lahat. Bahala na, kasi magaling naman si Carlo, e. I just need to react to what he is doing."

Since first time nilang magkasama sa iisang proyekto, natanong si Carlo kung ano ang pagkakakilala niya kay Arjo bilang actor.

Sagot ni Carlo, “Basta alam ko mahusay talaga si Arjo, e. Sinasabi ko nga sa kanya na may napanood akong video clip niya doon sa The General’s Daughter noong namatay si Ate Maricel Soriano, grabe yung eksena niya roon.

"Grabe! Grabe! Ibang klase talaga! Sa aming eksena, pinapakiramdaman ko
siya, kung paano tatakbo yung eksena at yung karakter niya. Di ko alam kung saan siya nanggagaling. '

"Tapos pag may ibinibigay siya na iba yung ini-expect ko, ang sarap kasi tatanggapin ko yun, e. Yun yung napapansin ko sa kanya kasi mayroon siyang volume ng pagbato ng dialogue. Mayroon siya may palakas at may pahina kung paano niya nararamdaman.”

Matira ang matibay kina Carlo Aquino at Arjo Atayde sa paghaharap nila sa second season ng Bagman na mapapanood na sa iWant simula November 13, 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde (left) on Maine Mendoza-Carlo Aquino kissing scene in Isa Pa With Feelings: "I don't want to see it."
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results