Dimples Romana preparing for bachelorette party of Angel Locsin

by Julie E. Bonifacio
Nov 14, 2019
Dimples Romana on her advice to Angel Locsin, who is getting married: “Angel would always say na, she would always watch me how I am with my family. So, pakiramdam ko, hindi na kailangan i-verbalize."
PHOTO/S: Noel Orsal / Dimples Romana Instagram

Naitalaga si Dimples Romana bilang official spokesperson sa nalalapit na wedding ng kaibigan niyang aktres na si Angel Locsin sa film producer na si Neil Arce.

Si Dimples din ang napili bilang Matron of Honor ng soon-to-be-bride na si Angel.

“Ang sabi nila spokesperson [ako], pero wala pa po akong go signal, e,” pahayag ni Dimples nag makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand media launch niya bilang celebrity endorser ng skin care brand na Skin Magical noong November 8.

Bilang Matron of Honor, ano na ang latest happening sa nalalapit na kasal nina Angel at Neil?

Ayon kay Dimples, “So, nagre-ready na kami ng bachelorette.

"Pero kasi, bilang rockstar ang kaibigan ko, alam mo naman si Angel. Ibang klase siya na bride.

"So, kaming magre-ready ng bachelorette, by the way, ay hindi lang mga puro babae. Yes, may mga lalaki.

"So, may mga friend siya na lalaki who will also be part ng bachelorette.

Continue reading below ↓

"So... ang saya lang. Ang cute ni Gel, e. Alam mo, natutuwa ako sa kanya.

"Kasi nandoon ako, e, simula nung simula.

“Kumbaga, na-witness ko ‘to. Na-witness ko lahat ng pinagdaanan niya.

“So, alam ko na aalagaan siya nang maigi ni Neil.

"Alam ko na mahal na mahal siya ni Neil. Iniingatan siya."

WEDDING DETAILS

May venue na ba ang wedding nina Angel at Neil?

“Meron na,” matipid na sagot ni Dimples.

Around Metro Manila lang ba?

“Uh,” sabay ubo ni Dimples.

“Ang sakit ng lalamunan ko,” biro niya.

Nagbigay na ba siya ng advise kay Angel sa papasukan niyang buhay may-asawa?

Ayon kay Dimples, “Angel would always say na, she would always watch me how I am with my family.

"So, pakiramdam ko, hindi na kailangan i-verbalize.

“Alam naman niya, ‘My love’ nga ang tawag niya sa asawa ko, e.

“At some point inisip ko, 'Baka itong si Darna maagaw pa ‘tong asawa ko, e.'

Continue reading below ↓

"Pero hindi siya ganoon. Kaya alam ko nang secure ako kahit na ‘My love’ ang tawag niya.

“Ang sabi ko lang sa asawa ko, ‘Huwag ka namang ma-in love,” biro pa ni Dimples.

May regalo na siya kay Angel?

“Ay, naku. Ang hirap regaluhan ni Gel.

"Alam mo kung bakit? Sobrang simple niya. Hindi kasi siya mahilig sa mga magarbong gamit.

"As you know, nauuna ‘yang mag-donate ng ano.

"So, kung ako, sa totoo lang… nakikita ko lang na kapag cash ang ibinigay ko sa kanya, malamang sa malamang, ido-donate niya rin.

“So, ididiretso ko na. Sasabihin ko lang sa kanya, 'O, Mars, naibigay ko na ‘to, sa ganito, sa ganyan.' Kasi, ganoon siya, e.”

BIRTHDAY WISH

Kahapon, November 13, nagdiwang si Dimples ng kanyang 35th birthday.

Ano ang birthday wish niya?

“I just… parang dyusko, pag nag-wish ako, baka sabihin ni Lord, ‘May wish ka pa?’" natatawang sabi ng Kadenang Ginto actress.

Continue reading below ↓

“Ako siguro, mas wish na lang for people around me to have peace all the time.

"Ganoon pala yung pakiramdam ng ganoon, ‘no?

“When you are immensely blessed, you just can’t help but also pray for others.

“Ako lang naman, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, sana lagi silang masaya.”

What about sa career niya, may wish ba siya?

Tugon ni Dimples, “Sana tuluy-tuloy. Sana mabigyan ng pagkakataon na lumago sa industryang ‘to, matuto pa ng mga hindi ko alam.

"Matuto from the younger generation and from the veteran actors."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana on her advice to Angel Locsin, who is getting married: “Angel would always say na, she would always watch me how I am with my family. So, pakiramdam ko, hindi na kailangan i-verbalize."
PHOTO/S: Noel Orsal / Dimples Romana Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results