Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Rhian Ramos introduces Israeli boyfriend

by Bernie V. Franco
Nov 13, 2019
(Left photo) Rhian Ramos with boyfriend Israeli Amit Borsok at the premiere of Lovi Poe's movie, The Annulment. The two have been in a relationship for almost a year now.
PHOTO/S: GMA News / Facebook

Proud na ipinakilala ni Rhian Ramos ang kanyang bagong boyfriend nang dumalo ang dalawa sa premiere night ng pelikula ng kaibigan ng aktres na si Lovi Poe.

“He’s my boyfriend and he’s also friends with Lovi, so we’re here to support her,” pahayag ni Rhian sa panayam ng GMA News na umere sa 24 Oras nitong Martes, November 12.

Ginanap ang premiere night ng The Annulment sa SM Megamall Cinema 7 noong Lunes, November 11.

Ang boyfriend ng Kapuso actress ay si Amit Borsok, isang Israeli.

Sa Facebook accout ni Amit, limitado ang nakalagay na impormasyon tungkol sa kanya.

Siya ay self-employed; mula sa Tel Aviv, Israel; at naninirahan sa Los Angeles, California sa U.S.

Nagkakilala sina Rhian at Amit noong 2018.

Paano sila nagkakilala?

Ani Rhian, “Common friends, in-introduce kami ng mga common friends.”

Sundot naman ni Amit, “Our friends did the thinking for us.”

Kuwento pa ng Israeli national, noong una raw ay may agam-agam si Rhian na makipag-date sa kanya. Pero naging mapilit siya.

Continue reading below ↓

Lahad ni Amit, “She kinda didn’t want to go out with me for a month, she said she’s not in the right place.

“But I was kind of persistent, until I kinda convinced her, and it worked.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mag-iisang taon na raw ang relasyon nila sa January 30, 2020.

Samantala, magkasama rin ang dalawa na dumalo sa celebrity Halloween party na Opulence: Let Them Eat Cake na ginanap sa The Tent sa Solaire noong October 31.

Continue reading below ↓

Base sa mga komento ng mga kaibigang artista ni Rhian ay alam nilang may relasyon na ang dalawa.

Bago ang relasyon niya kay Amit, ang huling napabalitang boyfriend ni Rhian ay ang Filipino-Chinese businessman na si Jason Choachuy.

Nag-break sina Rhian at Jason noong 2018 pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Rhian Ramos with boyfriend Israeli Amit Borsok at the premiere of Lovi Poe's movie, The Annulment. The two have been in a relationship for almost a year now.
PHOTO/S: GMA News / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results