Diego Loyzaga "looking great, happy" gets fans excited; is he ready for a showbiz comeback?

by Jet Hitosis
Nov 14, 2019
Fans of Diego Loyzaga express their excitement and are hopeful about the actor's showbiz comeback after seeing him "looking great" and "happy" in latest photos, taken at an animal shelter in Laguna. Diego visited the center with mother Teresa Loyzaga to celebrate the latter's birthday on Wednesday, November 13.
PHOTO/S: @loyzagadiegs on Twitter

Maraming fans ni Diego Loyzaga ang natuwa sa mga bagong litrato niyang kuha sa isang animal shelter na binisita niya, kasama ang inang si Teresa Loyzaga.

Birthday ni Teresa kahapon, November 13, at bilang bahagi ng kanyang celebration, bumisita ang aktres sa Second Chance Aspin Shelter Philippines, Inc. (SCASPI) sa Canlubang, Laguna, kasama si Diego.

Pero bago nagpunta sa animal shelter, nag-post muna si Diego sa Twitter ng birthday greeting niya para sa ina.

Kalakip ang throwback photo nilang mag-ina noong bata pa siya, tweet ni Diego: "happy birthday, mum. (face throwing a kiss emoji) Love you so much! (three hearts emojis)"

Batay sa post ng SCASPI sa Facebook page nito, namahagi ng saku-sakong pet food ang mag-ina sa shelter.

Nakipag-bonding din sina Teresa at Diego sa mga rescued animals na naroroon, bagamat kapansin-pansing mas malapit sa mga pusa ang 24-anyos na aktor.

Ipinost ni Diego sa kanyang Facebook at Twitter accounts ang mga litrato nila ni Teresa sa SCASPI nitong Miyerkules ng hapon, November 13.

Continue reading below ↓

Caption ni Diego: "Today, we made some dogs and cats happy! (smiling face emoji)"

Sa komento ng Twitter followers ni Diego, marami ang nagpahayag ng pagka-miss sa aktor, kabilang na sa kanila ang kaibigan at kapwa aktor na si Jerome Ponce.

Continue reading below ↓

Napansin din ng fans ni Diego na mas guwapo siya ngayon. Mahigit isang taon na siyang hindi aktibo sa showbiz.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang iba naman, umaasang ang unti-unting pagpaparamdam uli ni Diego sa social media—at ang mas maayos na ngayong kalagayan ng aktor—ay senyales ng pagbabalik-showbiz niya.

May mga direktang nagtanong kay Diego kung kailan siya uli gagawa ng teleserye o pelikula.

Hindi naman nag-reply si Diego sa mga tanong ng kanyang Twitter followers.

Continue reading below ↓

MORE THAN A YEAR OF HIATUS

Sa ABS-CBN teleseryeng Los Bastardos huling napanood si Diego bilang isa sa mga main characters nito.

Gayunman, umalis siya sa serye noong November 2018 kasunod ng balita ng umano’y pagtatangka niyang mag-suicide.

Hindi kailanman direktang kinumpirma ng kampo ni Diego ang naturang balita, pero kasunod nito ay hindi na napagkikita sa publiko at sa mga showbiz events ang aktor.

Continue reading below ↓

July ngayong taon nang tiniyak ni Teresa sa isang TV interview na hindi tuluyang iiwan ni Diego ang showbiz.

“I promise you, the day will come, when he returns, hindi namin kayo bibitinin, hindi namin kayo pagsusuwapangan ng panahon, ng oras, at talent,” sinabi ni Teresa sa interview sa kanya sa Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay, noong July 1, 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans of Diego Loyzaga express their excitement and are hopeful about the actor's showbiz comeback after seeing him "looking great" and "happy" in latest photos, taken at an animal shelter in Laguna. Diego visited the center with mother Teresa Loyzaga to celebrate the latter's birthday on Wednesday, November 13.
PHOTO/S: @loyzagadiegs on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results