May maiksing pahayag si Lovi Poe, 30, hinggil sa pagkakaayos nila ng kapwa Kapuso actress na si Marian Rivera, 35.
Three weeks ago, nag-guest si Lovi sa GMA Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya, kung saan isa sa mga host si Marian.
Napanood ang pagbebeso at pagyayakapan nina Lovi at Marian sa naturang episode.
Sa premiere night ng kanyang pelikulang The Annulment noong Lunes, November 11, nagsalita si Lovi tungkol sa pagkikita nila ni Marian.
“It’s nice because nga when I went to Sunday PinaSaya and we finally got to have that encounter.
“We finally had the chance to talk.
“It was nice, it was really nice...” sabi ni Lovi sa panayam sa kanya ng press na ipinalabas sa "Chika Minute" ng 24 Oras kagabi, November 13.
NO ISSUE WITH LOVI
Nauna nang nagsalita si Marian tungkol sa pagkukrus muli ng landas nila ni Lovi.
Sa press conference ng kanyang endorsement noong November 7, nagkuwento siya sa pagkakaayos nila ni Lovi.
Ayon sa Kapuso Primetime Queen, pagkatapos nilang magkita sa Sunday PinaSaya ay nag-text pa siya kay Lovi.
“Oo, nag-text din ako sa kanya.
“Sabi ko, happy ako na nakita ko siya. Sabi niya, ganun din.
“'Tapos good luck sa movie niya.”
Inusisa rin si Marian kung ano ang pakiramdam na nagkaayos na sila ni Lovi.
“Masaya," sagot nito.
“Sino ba naman ang taong gustong may iiwasan, na may kagalit?
“Mas masarap yung... masaya walang iniiwasan.”
Pero nilinaw ni Marian na wala naman talagang nangyaring away sa pagitan nila ni Lovi.
Saad niya, "At wala kaming away ni Lovi. Wala akong maisip na away namin ni Lovi.
"At nagpapasalamat ako sa Sunday PinaSaya. Of course, doon kami nagtagpo at nagkita kami na walang usap.
"Nagyakapan kami, kumustahan kaming dalawa na napakasarap sa pakiramdam.
"Ang sarap nang ganoon, wala kang iniiwasan na tao, masaya ka.
"Mas masarap yun na walang kaaway. Lahat kabati mo."
THE SUPPOSED RIFT BETWEEN MARIAN AND LOVI
Hindi malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng tampuhan nina Marian at Lovi.
Pero nabalita noon na may dalawang insidente na nag-isnaban ang dalawa.
Ang unang beses ay nang makasalubong umano ni Lovi si Marian at asawa nitong si Dingdong Dantes sa parking lot.
Pero ang pinansin lang daw ni Lovi ay si Dingdong, na kasama niya noon sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real (2014).
Ang pangalawang beses ay nangyari raw sa set ng dating GMA Sunday musical-variety show na Sunday All Stars, noong July 2014.
Binati at bineso raw ni Marian si Solenn Heussaff na nakaupo, pero nilampasan si Lovi na katabi ni Solenn.
August 2014 ay na-interview si Lovi at kinunan ng reaksiyon sa isnaban daw nila ni Marian.
Nagpaka-safe siya sa kanyang sagot.
Sabi noon ni Lovi: “You know, first of all, have you seen me getting into fights? Because I don’t like fights.
“It’s a waste of time. It’s a waste of energy.
“Ngayon, I’m just here… be professional. Nandito lang ako para magtrabaho.
“Hopefully, everybody can just be professional and mature about it.”
May mga haka-hakang ang hindi pagpansinan nina Marian at Lovi ay may kinalaman sa away nina Marian at Heart Evangelista.
Noong 2011 ay nagkasama sa pelikulang Temptation Island sina Marian, Lovi, Heart, at Solenn.
Sa shooting ng pelikula ay nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Marian at Heart, at nadamay kalaunan si Lovi.
Sa interview niya noong 2014, sinabi ni Lovi na hindi niya alam kung paano nadawit ang pangalan ni Heart sa hindi nila pagpapansinan ni Marian.
Nagtatakang komento ni Lovi tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ni Heart, “No, nothing… I don’t know nga where that came from actually.
“The truth is hindi ko alam kung how it turned out to be like that.
“Honestly, nagulat nga ako.
“Pero okey na ako.
“Pero enough na ako… that’s the last thing I’m gonna say na lang.”
