Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Janella Salvador asked if Joshua Garcia has moved on from Julia Barretto

by Rachelle Siazon
Nov 15, 2019
Janella Salvador (left) sees nothing wrong with being good friends with both Joshua Garcia (center) and Julia Barretto (right).
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Atienza

Siniguro ni Janella Salvador na positibo ang disposisyon ni Joshua Garcia apat na buwan mula nang maisapubliko ang breakup ng aktor at ni Julia Barretto.

Si Janella ay leading man ni Joshua sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.

Kamakailan lang ay nagkrus ang landas nina Joshua at Julia sa ABS-CBN station I.D. shoot.

Nakunan ng litrato ang ex-couple at sinasabing nagkomento si Julia na tila namamayat si Joshua.

Tingin ba ni Janella ay naka-move on na si Joshua kay Julia?

Sagot ng The Heiress actress, "Actually, okey naman si Joshua, e. Hindi ko siya nakitaan ng na-depress or whatever.

"He told me happy naman siyang nag-e-explore sa life by himself. So he's doing good.

"Tanungin natin siya kung naka-move on na siya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Janella pagkatapos ng mediacon ng pelikulang The Heiress, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, Huwebes ng gabi, November 14.

Continue reading below ↓

ON BEING FRIENDS WITH JOSHUA

Bukod sa saludo si Janella sa galing ni Joshua sa pag-arte, aminado siyang naging magkaibigan din daw sila ng binata.

"Sobrang nakakatuwa. I'm actually having so much fun working with Joshua," nakangiting kuwento ni Janella.

"It's true what they say, napakagaling niya talaga.

"Nagkaroon na rin kami ng sariling bond, e. Open kami sa isa't isa.

"Kapag may problem, nakakausap namin ang isa't isa.

"So, kapag nagkakaeksena kami, talagang naiintindihan na namin isa't isa tinginan pa lang."

Continue reading below ↓

NOT TAKING SIDES?

Hindi raw awkward na pareho siyang malapit kina Joshua at Julia na naging magkasintahan sa loob ng dalawang taon.

Paliwanag ni Janella, "Work is work naman, e.

"I'm still friends with Julia but that doesn't mean naman hindi kami puwedeng maging friends ni Joshua.

"So kahit love team kami on screen, hindi naman kailangan sa totoong buhay may something din, e."

Nagkakausap pa ba sila ni Julia?

Sagot ni Janella, "Lately, hindi ko siya nakakasama masyado kasi busy kami ngayon sa kanya-kanyang lives.

"Pero I texted her. I text her ocassionally kung kumusta na siya."

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador (left) sees nothing wrong with being good friends with both Joshua Garcia (center) and Julia Barretto (right).
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results