PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vina Morales says sister Shaina Magdayao and Piolo Pascual are just friends

Vina Morales on rumors linking Shaina Magdayao and Piolo Pascual: “I like their relationship kasi they are always there for each other.”
by Jet Hitosis
Published Nov 16, 2019
Vina Morales says she believes that her sister Shaina Magdayao and actor Piolo Pascual are just "really good" friends: “I don’t want to think naman na meron pang more of that. Hindi ko alam kung anong meron sa relationship nila, e."
PHOTO/S: PEP file, @shaina_magdayao on Instagram

Sinabi ni Vina Morales na natutuwa siya sa “relationship” ng kapatid na si Shaina Magdayao sa aktor na si Piolo Pascual, pero nilinaw niyang malapit na magkaibigan lang talaga ang dalawa.

Gayunman, aminado ang singer-actress na natutuwa siya kung paanong espesyal ang turing nina Shaina at Piolo sa isa’t isa.

“Ewan ko sa dalawang yun!” natatawang bulalas ni Vina nang makausap ng entertainment reporters sa media conference ng musical film niyang Damaso, sa Quezon City, kahapon, November 15.

“I like their relationship kasi they are always there for each other.

“Natutuwa ako na ganun yung closeness nila.

“I don’t want to think naman na meron pang more of that. Hindi ko alam kung anong meron sa relationship nila, e.

“But I’m happy for them.”

Natanong si Vina ng isang entertainment reporter kung pabor ba siya kay Piolo para sa bunsong kapatid.

“Bakit naman hindi? Si Piolo naman is a very kind person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit naman sino siguro gugustuhing maging kasama o kapamilya ang isang Piolo Pascual.

“Napakabuting tao, but they’re really good friends lang talaga. That’s what I know, ha?” ani Vina.

Matagal nang nali-link sa isa't isa sina Shaina at Piolo, bagamat kapwa sila walang opisyal na pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Para kay Piolo, "mahirap i-define" ang relationship nila ni Shaina, na aminado siyang espesyal sa kanya.

Samantala, inamin ni Vina na ine-encourage na niya si Shaina, 30, na magkaroon ng relationship.

Natatawang sabi niya, “Huwag niya akong gayahin! Sabi ko sa kanya mag-love life na siya.

“Hindi naman daw siya nagmamadali.

“And of course, she was also in a relationship na serious, ayaw na rin naman niya yung mga basta-basta lang na relasyon, or just for fun.”

Ayon pa kay Vina, “very secretive si Shaina,” kaya sa ibang tao pa raw niya nalalaman kapag may idine-date ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But she shares it to us naman pag serious na sila. Of course, kami ang unang makakaalam niyan, kaming pamilya niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales says she believes that her sister Shaina Magdayao and actor Piolo Pascual are just "really good" friends: “I don’t want to think naman na meron pang more of that. Hindi ko alam kung anong meron sa relationship nila, e."
PHOTO/S: PEP file, @shaina_magdayao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results