James Reid, Daniel Padilla spotted partying in Rome sans onscreen rivalry

by Rachelle Siazon
Nov 18, 2019
Netizens can't get over James Reid giving Daniel Padilla a back hug at an after party in Rome.
PHOTO/S: CTTO / @dimplesromana Instagram via @donsdonnyp Twitter

Sa isang bihirang pagkakataon, nagsama sina Daniel Padilla at James Reid sa isang after party sa Rome, Italy nitong nagdaang weekend.

Hindi maiwasang ma-excite ang fans ng dalawang Kapamilya heartthrobs na itinuturing bilang onscreen rivals dala ng kani-kanilang love teams.

Si Daniel ay kalahati ng tambalang KathNiel, ang uni-name nila ng reel-and-real-life sweetheart niyang si Kathryn Bernardo.

Si James ay kalahati ng tambalang JaDine, ang uni-name nila ng reel-and-real-life sweetheart niyang si Nadine Lustre.

Kahapon, November 17, kumalat ang video kunsaan hinihikayat si Daniel ng ilang G-Force dancers na sumayaw sa isang after party.

Pero halatang todo-tanggi si Daniel dahil hawak siya sa magkabilang-kamay ng dalawang G-Force dancers at isa sa mga ito ay sinusubukan pang kunin ang hawak na baso ni Daniel.

Nakatayo sa tabi si James, at maya-maya pa ay niyakap ang nakatalikod na si Daniel para hindi ito makawala habang hinihila sa dance floor.

Pagdating sa gitna ng function room, pinagbigyan din ni Daniel ang mga kasama at bahagyang umindak kahit halatang hindi niya forte ang pagsasayaw.

Continue reading below ↓

Parehong game at nakangiti sina James at Daniel habang nagkakasiyahan ang kanilang grupo.

Bukod dito ay nakunang magkatabi sina Daniel at James sa group picture ng Kapamilya stars, base sa Instagram post ni Dimples Romana.

Naroon din ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn pati na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, KZ Tandingan, Moira dela Torre, at ibang kasama.

Continue reading below ↓

NETIZENS KILIG OVER JAMES and daniel

Hindi naman magkamayaw ang fans nina James at Daniel na makitang magkasama ang dalawang Kapamilya actors.

"Kakilig," "cuties," at nakakataas daw ng "energy" ang mga ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May nagbiro pa na bigyan ng uniname na JaNiel ang kinakikiligan nilang sina James at Daniel.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May ilan ding fans si Daniel na natuwa dahil pinagbigyan pa rin daw nito ang grupo at pinakita ang kanyang "lolo dance moves."

Continue reading below ↓

May isa ring netizen ang nagtanong kung kailan naman daw kaya makikitang magkasama sina Kathryn at Nadine.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens can't get over James Reid giving Daniel Padilla a back hug at an after party in Rome.
PHOTO/S: CTTO / @dimplesromana Instagram via @donsdonnyp Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results