Umalis ang mag-inang Suzette Ranillo at Gloria Sevilla nitong Miyerkules, November 13, para sa dalawang screening ng indie film na Pagbalik sa San Francisco, California, U.S.A.
Ang mag-ina ang mga bida sa nasabing movie na isa sa 10 official entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.
“There’s going to a tribute for mom, so she’s going to be given a lifetime achievement award,” sabi ni Suzette, na siya ring nagdirek ng Pagbalik.
“It’s an event by the San Francisco Filipino Cultural Center, it’s a new venue in San Francisco.”
Ang okasyon ay tinawag na “Parangal Kay Gloria Sevilla.”
Babalik sila sa Pilipinas sa December 11, in time for the Metro Manila Film Festival 2019 entry na Culion kunsaan kasama sa cast si Suzette.
Nakausap namin si Suzette sa November 11 press con ng theme song ng Culion. Sa naturang press con na ginanap sa sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, ipinakilala si Joanna Ampil bilang interpreter ng theme song titled "Kundimang Mahal."
Ang Culion ay kuwento tungkol sa mga taong may sakit na Hansen’s disease, leprosy, o ketong.
Bida sa Culion sina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, at Meryll Soriano.
“I portray the head of the volunteers na tumutulong sa mga may sano, iyon ang tawag nila kapag wala kang disease,” lahad ni Suzette.
“They draw strength from me, binibigyan ko sila ng lakas ng loob to go on with life, not to give up on life just because they have the disease.”
May mga nagsasabi na malamang maging nominado si Suzette bilang Best Supporting Actress sa awards night ng MMFF 2019.
“I think every actor naman aspires to win an award and kasama na rin yun, so lahat kami ay… I think this is a great ensemble of actors and kung sino man sa amin ang manalo, we’re going to be honored for each other.
"I would like to aim for the highest award, the Best Picture and hopefully more awards,” saad ni Suzette.
Matalik na magkaibigan sina Suzette at Nora Aunor, kaya hiningan namin si Suzette ng reaksyon sa hindi pagkakapasok ng pelikula ng Superstar na Isa Pang Bahaghari sa MMFF.
"Well, wala tayong magagawa, walo lang kasi talaga ang papasok, e. And it’s not… porke't hindi sila napasok doesn’t mean na hindi maganda yung pelikula nila.
“Maybe they’re meant not to be really part of the festival but to have an independent schedule of showing.
“It might be better for other films that weren’t able to make it to the filmfest,” sabi ni Suzette.
Bago ang announcement ng walong film fest entries noong Oktubre ay nagkaroon ng isyu at patusadahan sa pagitan ng kampo ng Isa Pang Bahaghari at kampo ng Culion.
Dahil ang Culion ang nakapasok, sa palagay ba ni Suzette ay vindicated sila?
“I don’t wanna say vindicated. I just feel blessed that we were able to get in.
“Mahirap kayang pumasok sa... to be an entry to a festival, a film festival, particularly Metro Manila Film Festival.
“So I’m really blessed. I’d like to put it that way rather than vindicated.”
