Umalma si Angeline Quinto sa netizen na binabatikos ang pagsusuot niya ng revealing outfits sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP Natin 'To.
Ngayong Lunes, November 17, tahasang sinabi ng isang netizen na hindi raw magandang "lantaran" ang pagpapakita ni Angeline ng dibdib sa mga isinusuot niyang damit.
Tila may kinalaman ito sa mga pagkakataong low neckline ang suot na dress ni Angeline.
Komento ng netizen sa Instagram account ni Angeline (published as is):
"Hoy anggee...kung kakanta ka nman sa asap lantaran na ung boobs mo kkahiya ka!!! ayos ayosin mo nman ganyan ba ang dalagang pilipina..."
Depense ni Angeline, hindi na dapat problemahin pa ng netizen ang kanyang "boobs."
Direkta ring sinabi ng Kapamilya singer na hindi niya gusto ang takbo ng pananalita sa kanya ng netizen.
Pahayag ni Angeline (published as is):
"maka Hoy naman po kayo sa akin, ni magulang ko hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po kahit papaano maging mabuting ehemplo din kayo sa ibang kabataan.
"Kung problema niyo po ang boobs ko, wag niyo na pong pag aksayahan ng panahon dahil nasisiguro ko mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal niyong buhay kesa sa boobs ko.
"Tama po? Salamat po."

