PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ion Perez prefers that Vice Ganda be the sperm donor if they decide to have a child

Ion Perez reveals he and partner Vice Ganda have talked about marriage.
by Bernie V. Franco
Published Nov 19, 2019
Ion Perez on why he prefers Vice Ganda to be the sperm donor in case they want to have a child of their own: “Sa kanya na lang po siguro, kasi siya, alam naman po natin kung gaano kalawak ang pag-iisip niya. Ako, aaminin ko, hindi naman po ganun."
PHOTO/S: Instagram

Bukas si Ion Perez, 29, sa posibilidad na hindi magkaroon ng sariling pamilya—mag-asawa ng babae at magkaroon ng mga anak—at magsasama na lang sila ng karelasyon niyang si Vice Ganda, 43.

“Hindi na po siguro kasi ayan na, e… mag-aano [magsasama] na lang po kami ni Ano… ni Betle.”

"Betle" ang term of endearment ni Ion para kay Vice.

Sinabi ito ni Ion sa interview sa kanya ni Ogie Diaz para sa YouTube channel ng comedian-talent manager.

Sa parehong interview rin ay sinabi ni Ion na straight siya na na-in love sa isang bakla.

Sa kasalukuyan ay isang taong nang magkarelasyon sina Vice at Ion.

VICE AND ION ON HAVING THEIR OWN KIDS

Dahil hindi posibleng magkaroon ng sariling anak ang dalawa, isang paraan para magkaanak ang isa man sa kanila ay maging sperm donor sa isang surrogate mother sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Napag-usapan na ba nina Vice at Ion ang ganitong option at sino sa kanila ang magiging sperm donor kung sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ion, “Hindi po namin napag-uusapan ‘yan.

"Pero kung kanino man manggagaling sa aming dalawa, mamahalin po namin, kasi parang blessing po na ibinibigay ‘yan."

Hindi raw isyu kay Ion kung sino man sa kanila ang maging sperm donor.

Sundot ni Ogie, si Ion ang may kapasidad na makabuo ng bata sa normal na pamamaraan.

Kinonsulta ba niya si Vice sa option na ito?

“Hindi po. Hindi ko po nasasabi sa kanya,” sagot ng binata.

“Basta kami, ang ano lang po namin ngayon, masaya na nagkakaintindihan kami.

“Kung sa anak naman po, kasi ako, unang-una, talagang nalilibang naman po ako sa mga pamangkin ko.”

Hindi rin daw isyu kay Ion kung magdesisyon si Vice na maging sperm donor.

Mas gusto nga raw niya kung si Vice na lang ang sumailalim dito.

“Sa kanya na lang po siguro, kasi siya, alam naman po natin kung gaano kalawak ang pag-iisip niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, aaminin ko, hindi naman po ganun.

"Pero mas mabuti kung sa kanya."

Dugtong niya, “Masasabi ko kung saan siya masaya, masaya na rin ako.

“Okay na ako. Wala naman magiging problema sa akin.”

Isa sa mga kilalang personalidad na nagkaroon ng mga anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization ay ang perfume mogul na si Joel Cruz.

NOT IN A RUSH TO GET MARRIED

Inamin din ni Ion na napag-uusapan na nila ni Vice ang pagpapakasal.

Saad niya, “May time naman po na pinag-uusapan, pero sabi namin, hindi naman namin kailangang magmadali.

“Basta nagkakaintindihan kami ngayon, nagmamahalan.

"Darating din po siguro yung time na yun na magpapakasal."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez on why he prefers Vice Ganda to be the sperm donor in case they want to have a child of their own: “Sa kanya na lang po siguro, kasi siya, alam naman po natin kung gaano kalawak ang pag-iisip niya. Ako, aaminin ko, hindi naman po ganun."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results