Pagkatapos ng walong taon, lumipat si Jerald Napoles sa bagong talent management company.
Pumirma ang GMA-7 actor ng five-year contract with Viva Artist Agency at inaasahan na gagawa siya ng ten movies sa panahon na ito.
"My contract ended two years ago but it's because I have a contract with Sunday Pinasaya. Wala rin naman akong balak umalis then Viva offered a nice deal for me."
Dati siyang talent ng Triple A ni Rams David.
Ang isa sa mga gagawing movie ni Jerald ay ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Sa naturang pelikula makakatatambal ni Jerald uli ang kanyang real-life girlfriend na si Kim Molina. Una silang nagkasama sa blockbuster hit na Jowable.
Plano isali ng Viva Films ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam sa summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa 2020.
Kung sakaling ilipat si Jerald sa ABS-CBN, aling show ang gusto niya salihan?
"Tinanong nga ako kung papasok ako sa Ang Probinsyano.
"Naisip ko baka lang, sa ganung show kasi kaibigan ko si Coco [Martin, lead actor of Ang Probinsyano].
"Noong bago magsimula yung Ang Probinsyano, tumawag siya sa akin personally. Nasa bakasyon ako noon.
"Sabi niya, 'Kasi may bago akong show na serye. Gusto ko kayong dalawa ni Pepe Herrera."
Bakit hindi natuloy si Jerald sa Kapamilya show na Ang Probinsyano?
Paliwanag niya, "Kasabay siya ng Sunday Pinasaya."
Nakatakdang matanggal sa ere ang Sunday Pinasaya ngayong December 2019.
Paano sila naging close ni Coco?
"Close kami dahil sa pelikula ni Toni Gonzaga," pagtukoy niya sa 2015 movie ni Toni at Coco titled You're My Boss.
Sa recent contract signing ni Jerald na ginanap sa Viva office, kinuwento ni Jerald ang tungkol sa pagsisimula niya sa showbiz.
"Pamilya ko po mga dancers. Tiyahin ko po member ng Dyna Dancers. Dancer po ako kaya ako naging theater actor. Kailangan ng dancer sa isang stage play.
"Matagal na po akong theater actor tapos wala pa akong nakukuhang meaty role sa theater. Usually, ang binibigay na role yung kalaban or antagonist. Nagkaroon ng isang musical play tapos tinanong ako kung marunong akong mag-comedy kasi ang ginampanan ko yung kay Jograd de la Torre.
Nang tanungin kung ano ang kanyang kurso noon sa college, inamin niya: "Hindi po ako nakatapos.
"Chemical engineering po ako sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila."