Maine Mendoza joins boyfriend Arjo Atayde's family dinner

by Arniel C. Serato
Nov 20, 2019
Kapamilya actress Sylvia Sanchez posts on Instagram their family "fun dinner" last Sunday, November 17, with Arjo Atayde's girlfriend, Maine Mendoza.
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram

Mukhang at home na talaga si Maine Mendoza, 24, sa pamilya ng boyfriend na si Arjo Atayde, 29.

Noong Linggo, November 17, masayang nakipag-dinner si Maine sa pamilya ni Arjo sa isang restaurant sa Podium Mall, Ortigas, Pasig City.

Base sa post ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez, masasabing hindi na talaga iba ang Kapuso star sa kanila.

Mensahe ni Sylvia sa caption: "Fun dinner last sunday (inlove emoji) Sunday is famday (heart emoji) Love you kiddos (kiss, heart, kiss emojis) #family #happiness #blessed #thankuLORD

"Happy evening (heart, inlove, kiss emojis)."

Continue reading below ↓

Kasama nila sa larawan ang mister ni Sylvia na si Art Atayde, mga kapatid ni Arjo, at si Maine.

Walang post ang rumored couple tungkol sa dinner.

Disyembre 2018, umamin sina Maine at Arjo na nagdi-date sila habang ginagawa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vic Sotto.

Simula noon, naging usap-usapan na sa apat na sulok ng showbiz ang kanilang relasyon.

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa direktang umaamin ang dalawa sa totoong estado nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Sylvia Sanchez posts on Instagram their family "fun dinner" last Sunday, November 17, with Arjo Atayde's girlfriend, Maine Mendoza.
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results