Nagpabilib sa kanilang suot ng puting bikini ang mga contestant ng Miss Bikini Philippines 2019.
Matapos ang kanilang pagrampa, nagkaroon ng pagkakataon ang mga imbitadong press para magtanong sa kanila.
Napili rin mula sa media presentation ang Press Favorite na mga kandidata.
Samantala, hindi lang sa pagsusuot ng bikini ang ginawang pagrampa ng mga kandidata ng Turismo Filipina 2019, nagpakita rin ang mga ito ng kagandahan sa pagdadala mga casual wear sa press presentation nila ngayong araw.
Ipinahayag din ng mga contestant ang kanilang excitement sa pakikipag-usap sa press na naroon dahil magiging bahagi raw sila ng opening ceremonies ng 30th SEA Games.