PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kier Legaspi's mother visits granddaughter Dani Barretto and her baby

Kier Legaspi's mom visits granddaughter Dani Barretto and her baby.
by Bernie V. Franco
Published Nov 21, 2019
Dani Barretto posts on Instagram a photo of her with two-month-old son Millie and paternal grandmother Hershey Legaspi.
PHOTO/S: @danibarretto on Instagram

Walang bakas ng tampuhan, kundi kasiyahan, ang makikita sa larawan ni Dani Barretto kasama ang lola nitong si Hershey Legaspi, ina ng aktor na si Kier Legaspi.

Si Dani ay anak ni Kier sa dating nakarelasyong si Marjorie Barretto.

Earlier this week, ipinost ni Dani sa kanyang Instagram Story ang larawan ng unang pagkikita ng kanyang two-month-old daughter na si Millie at ng ina ni Kier.

Caption ni Dani: “So happy Momsy and Millie finally met!

“I missed you mama!”

Noong September 2019 ay isinilang ni Dani ang anak nila ni Xavi Panlilio.

Ikinasal sina Dani at Xavi noong April 22, 2019.

Lumalabas naman na maganda ang relasyon ni Dani sa kanyang Lola Hershey dahil dumalo ito sa kasal ng apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DANI’S RIFT WITH HER BIOLOGICAL FATHER

Ito ay sa kabila na noong March 22, 2019, lumabas sa PEP Alerts na iniyakan ni Hershey ang mga pahayag ni Dani tungkol sa ama nitong si Kier.

Hindi kaila sa publiko na hindi maganda ang relasyon ni Dani sa kanyang ama.

Anim na taon na rin daw nang huli silang magkita.

Sa YouTube video na in-upload ni Dani noong March 16, 2019, sinabi nitong hindi siya on good terms sa kanyang ama.

Bahagi ng pahayag ni Dani: “To be honest, my dad and I never really had a solid relationship.

“All I know is he’s my dad, and that’s it.

“I guess when you’re apart for so long and you already grew up and nasanay ka na wala na yung tao sa life mo, you just feel, like, not naman that you don’t need the person… but it’s more like you’re okay without them.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KIER’S OPEN LETTER TO DANI

Isang araw pagkatapos i-upload ni Dani ang kanyang video tungkol kay Kier, nag-react ang aktor sa pamamagitan ng Instagram.

Sinimulan ni Kier ang kanyang open letter sa anak sa pagtawag dito sa kanyang tunay na pangalan: Aynrand Danielle.

Kalakip ng post ay ang mga naitagong larawan ni Kier kasama ang anak, mula noong sanggol pa si Dani hanggang sa pagdadalagaa nito.

Bahagi ng mensahe ni Kier sa anak: “Aynrand, I don't really say much about our relationship because I am certain that both of us know the truth. I believe that no matter what you say now can never change the truth and the memories we had.

“I'm here, I will always be here. Bata ka pa lang lagi na kitang hinahabol, you don't know what I had to do just to see you. Until now, I'm still waiting for our meeting.

“I want you to know that I was the first man who ever loved you and that no matter what, you will always be my daughter. I will continue to pray for you and your family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GRETCHEN BARRETTO SUPPORTS KIER

March 21, 2019, nag-react ang tita ni Dani na si Gretchen Barretto sa mga naging pahayag ng pamangkin sa kanyang video.

Nakita raw lumaki ni Gretchen si Dani, habang ipinagbubuntis siya ni Marjorie hanggang sa kanyang paglaki.

Nagpakita ng suporta si Gretchen kay Kier.

Aniya, ayaw raw ni Marjorie na maging bahagi ng buhay ni Dani si Kier.

"Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani is yung hindi siya mayaman,” bahagi ng pahayag ni Gretchen.

Patutsada pa niya: “Hindi siya mayor ng Caloocan, ng ganun, di ba, na wala siyang limpak-limpak na pera.

“Yun lang ang kasalanan ni Kier.”

Tila pasaring ito ni Gretchen kay Marjorie na nagkaroon ng relasyon kay dating Caloocan mayor na si Recom Echiverri.

Sinabi rin ni Gretchen na nasaktan siya sa mga pahayag ni Dani dahil hindi niya kinilala ang kontribusyon ng kanyang mga tiyahin na sina Gretchen at Claudine na tumulong sa pagpapalaki at pag-aaruga sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dani Barretto posts on Instagram a photo of her with two-month-old son Millie and paternal grandmother Hershey Legaspi.
PHOTO/S: @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results