Nag-throwback Thursday si Paolo Ballesteros sa Instagram, at marami ang na-cute-an sa litrato nila ng kanyang “tita ninang” na si Eula Valdes.
Sa una sa dalawang sepia photos, karga ni Eula ang toddler pa lang noong si Paolo.
Sa ikalawang picture, nakaupo si Eula habang inaalalayan ang ngiting-ngiting pamangkin.
Caption ni Paolo: “Throwback! With my tita ninang @eulavaldes in Cabanatuan hehe.
"Thanks for the pic labyu (smiling with sunglasses, smiling with open mouth emojis) #kulotpamore #siMatet .....lamna agad ang hawak hawak! (laughing tears emoji)”
Sa comment section, maraming followers ng 36-anyos na Eat Bulaga! host ang nagsabing magkamukha sila ng 50-anyos na ngayong si Eula.
May mga nagulat din dahil ngayon lang nalaman na magkamag-anak pala ang dalawa.
Suggestion naman ng ibang fans, magsama sana sa isang project o pelikula ang magtiyahin.
Ang isa naman, napaisip na puwedeng bigyan ng make-up transformation ni Paolo ang veteran actress.
Pinsang buo ni Eula ang ama ni Paolo.
Ninuno nila ang National Artist for Visual Arts na si Fernando Amorsolo.