Nakarating na kay Aiko Melendez ang akusasyong inabandona diumano ng ex-husband niyang si Jomari Yllana ang dating live-in partner nitong si Joy Reyes at ang kanilang dalawang paslit na anak.
Sa eksklusibong ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas ngayong araw, November 26, hiniling ni Joy sa aktor at konsehal sa siyudad ng Parañaque na maibigay ang tamang sustento para sa kanilang mga anak—isang one year old at isang three months old.
Pahayag ni Aiko tungkol sa isyu, “Kasi ako, actually, nabasa ko sa PEP.
“Bilang may karelasyon ako ngayon, si Vice Governor Jay Khonghun, gusto ko yung ibigay na yung respeto na yun na ayaw ko mag-comment.
“Pero ang prayer ko, kung ano man ang hinihingi ng bawat partido, sana mabigay, lalo na at may batang involved.”
May isang anak sina Aiko at Jomari—si Andre Yllana, 21.
Patuloy ng 43-year-old actress, “Ako kasi, tatay ni Andre si Jomari.
"Although hindi kami on good terms talaga, speaking terms, I’d like to give that to them—to solve this privately.
“And my heart, of course, goes to the kids because I’m a mother too.
“So sana maayos nila and mabibigay na kung ano yung nararapat sa mga bata.”
Tinanong din daw ni Aiko ang anak na si Andre kung naulinigan ba nito ang balita tungkol sa kanyang ama at dating ka-live in nito.
Saad ng Prima Donnas actress, “Sabi ko, ‘I heard...’ I just told him, ‘You know, whatever it is, kung anuman yung meron kami, siguro that’s the reason why I’m blessed and worked hard siguro para maiwasan ko yung ganitong issue.’
“Siguro, kaya rin siguro ako bini-bless ng Panginoon ng maraming trabaho para sa mga anak ko, para mabigay ko sa mga anak ko ang best para sa kanila.”
Bukod kay Andre, may isa pang anak si Aiko—si Marthena Jickain, 12, na anak ng aktres sa kanyang second husband na si Martin Jickain.
Nakausap ng PEP.ph at ilang piling media si Aiko sa contract signing nito bilang endorser ng F2N Fortune Marketing—distributor ng Theobrama Superfood—ngayong hapon ng Martes, November 26, sa Annabel's Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

“I NEVER SPEAK ILL OF THEIR FATHERS”
Ayon kay Aiko, hindi niya pinalaki ang mga anak na sinasabihan ng mga kamalian ng kani-kanilang mga ama.
Sabi niya, “I never speak ill of their fathers, with Marthena, with Andre, even if I have so much to say, never.
“There are so many things that I wanna say right now inside my heart that I feel for my son, the right of my son, but I’d rather keep it to myself.
“And I’d rather sacrifice the feeling that I have in my heart because it's my respect for my son.
“Because I don’t want them to grow up in such a way that they hate their fathers.
“I just want to remain pa rin, yung happy times namin with Jomari.
"Kasi, in the same way, gusto ko rin si Jomari, kapag nakakausap niya si Andre, hindi niya ako iba-badmouth.
“So siguro, sa akin, this is to talk about child support, di ba, so sa akin, kung may kusa, thank you, kung wala, hindi naman ako namimilit.”
Bakit hindi siya nagtatanim ng sama ng loob sa kanyang mga dating nakarelasyon?
Paliwanag ni Aiko, “Because I’m so blessed, there’s no room for hatred, there’s no room…
"Siguro it pays to be happy and to live a good life.
“And when you have God in your life, there’s so much... parang no place for hate.
“Parang kung maghi-hate pa ako and kung titingnan ko, kumbaga, dapa na si Jomari ngayon, e, because of the accusations being hurled at him.
“And in the same way, I feel for Joy also because babae ako and nanay din ako, di ba?
"Kaya lang, ayokong pumagitna kasi gulo nila 'yan. Sana ayusin nila.”
