Karla Estrada's boyfriend opens up about relationship with TV host-actress

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2019
Jam Ignacio on girlfriend Karla Estrada: “Di ko na naisip na parang superstar siya na… inano ko lang siya, na parehas lang kami na normal na tao."
PHOTO/S: Photos from Instagram

Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang non-showbiz boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio tungkol sa kanilang relasyon.

Inamin ni Karla ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay noong November 14, 2019.

Sa episode naman ng programa ngayong Miyerkules, November 27, inilahad ni Jam kung paano nagsimula at nabuo ang relasyon nila ng TV host-actress at ina ng aktor na si Daniel Padilla.

June 1, 2019 daw sila unang nagkakilala.

Ano ang first impression niya kay Karla?

“Maganda,” sagot ni Jam.

May naramdaman ba siyang spark?

“Kasi, nagkakatinginan kami madalas, e,” pag-amin niya.

Kailan niya naramdamang mahal na niya si Karla?

“Yung madalas na kami magkasama, nung nakilala ko siya mas mabuti.”

Mabilis bang nahulog ang loob niya kay Karla?

“Oo. Hindi naman siya mahirap mahalin, e.”

Bagamat artista si Karla, hindi raw ito naging hadlang para ligawan siya ni Jam.

Saad ni Jam, “Di ko na naisip na parang superstar siya na… inano ko lang siya, na parehas lang kami na normal na tao.

Continue reading below ↓

“Kung ano yung dapat gawin ng isang lalaki sa babae, yun naman ang ginagawa ko.”

Sabi pa ni Jam, answered prayer sa buhay niya si Karla.

“Ipinagdadasal ko kasi na may dumating sa akin na malaking pagbabago, ibinigay nga sa akin yung malaki...” biro niya na tila patungkol sa pangangatawan ng kasintahan.

Pero dugtong ni Jam, “Malaking puso na kayang mahalin yung kaibigan ko, pamilya ko.

“Ganoon kalaki ang puso niya, e.”

Niligawan ba niya maging ang apat na anak ni Karla, kabilang na ang panganay nitong si Daniel?

Sagot ni Jam, “God’s way na rin.

"Siya na rin ang parang gumawa ng way para magkaroon kami ng bonding ng mga anak niya, makilala ko sila nang mabuti.

"Kasi galing din ako sa kung ano yung naranasan niya… galing din kasi ako doon."

Ang tinutukoy ni Jam ay ang pagkakaroon niya ng dalawang anak at pagiging hiwalay sa asawa.

Dugtong naman ni Karla, “Hindi kami nahirapan i-explain kung, ‘Ano ba? Paano natin uumpisahan ito?’ kasi halos pareho kami ng pinagdaanan.”

Continue reading below ↓

Si Karla ay may apat na anak mula sa mga dati niyang nakarelasyon.

KARLA INITIALLY HAD HESITATIONS

Inamin ni Karla, 45, na noong una ay may agam-agam siya sa nararamdaman niya para kay Jam.

Lahad ng Magandang Buhay host, “Actually, ang bilis nung sa akin, parang antagal ko nang heartbroken.

“Kaya lang, nagdadalawang-isip ako dahil baka natutuwa lang ako na meron ganoong tao na nagpapakita ng concern.

“Natutuwa ako sa tapang niya kasi, di ba, sobrang lakas ng personality ko, ang tapang kong tao...

“Pumunta siya sa bahay na hindi naman niya inisip na bahay namin yun, kung sino yung nakatira doon, e.

“Three days pa lang kaming magkakakilala, pumunta siya, nagdala siya ng bulaklak, may coffee.”

Lahad pa ni Karla, “Since 1991, wala kayong makikitang interview na nagsasalita ako tungkol sa love life ko.

“Ang katuwiran ko lagi noon, parang ang pribado na puwede kong maitabi, because alam ko naman ang mga tao, meron at meron silang masasabi.

Continue reading below ↓

“Pero kasi ngayon, parang ito na yung point na tama, wala tayo dapat ikabahala sa sasabihin ng ibang tao.”

Ano ang pakiramdam ni Karla na naipakilala na niya sa publiko ang kanyang special someone?

Tugon niya, “Masaya naman.

“At saka bago sa akin ‘to dahil wala pa naman talaga akong naiharap [sa public]. First time.

“Kahit yung mga tatay ng mga anak ko, parang hiyang-hiya ako, kasi kung kelan naman may apat na akong anak…

“But, you know, sabi nga ni Vice [Ganda], deserve natin lahat ito na lumigaya, sumaya.”

Tinanong din si Karla kung ano ang reaksiyon ng kani-kanilang mga anak tungkol sa relasyon nila ni Jam.

Saad niya, “Walang formal na pagpapakilala, kasi malinaw naman…

"Ako, sa mga anak ko, tsaka siya, sinabi ko naman sa kanya na magrerespetuhan kami.

"Kasi may kids din siya, na kung hanggang dun lang ang kayang ibigay ng mga anak namin para sa amin, irerespeto namin yun.

Continue reading below ↓

"Kasi meron din naman talaga silang nanay, meron din yung sa akin, mga tatay...

“Ang importante, may respeto sa amin din yung mga anak namin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jam Ignacio on girlfriend Karla Estrada: “Di ko na naisip na parang superstar siya na… inano ko lang siya, na parehas lang kami na normal na tao."
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results