PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda prays for lifetime relationship with Ion Perez

Vice Ganda posts birthday message for boyfriend Ion Perez.
by Bernie V. Franco
Published Nov 27, 2019
Vice Ganda professes love for boyfriend Ion Perez: “Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Vice Ganda, 43, sa kanyang Instagram account ang birthday greeting niya sa nobyong si Ion Perez, 29.

Dito ay inisa-isa ni Vice ang mga dahilan kung paano naghatid ng saya at pagmamahal sa kanya si Ion.

Mensahe ng It’s Showtime host, “Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya.

“Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa.

“Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko.

“Hanggang nakilala ko sya.

“Lahat biglang nagbago.

“Sinagip nya ko bago ko tuluyang malunod.

“Binura nya lahat ng hinanakit.

“Naging matamis yung dating ubod ng pait.”

Ibinahagi rin ni Vice ang kaibahan ni Ion sa mga dati niyang nakarelasyon.

Aniya (published as is): “Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito.

“Sya lang yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko.

“Sya lang yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin.

“Sya lang yung yumakap sakin na di nagtatago sa dilim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sya yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako.”

Kaya naman dasal ni Vice para kay Ion, lagi itong maprotektahan.

Hiling din niyang makasama ito habang buhay.

“Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po sya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya.

“Nawa po’y lagi syang nakangiti at masaya.

“Sana po ipahintulot nyong habang buhay ko syang makasama.

“Kasi po mahal na mahal ko sya. #HappyBirthdayIon
@pereziion27

VICE IN RELATIONSHIP WITH ION FOR A YEAR NOW

Sa live episode ng It’s Showtime noong October 26, 2019, umamin sa wakas si Vice tungkol sa relasyon nila ni Ion.

Nangyari ang pag-amin ni Vice matapos ang performance niya para sa “Magpasikat” segment bilang bahagi ng 10th anniversary ng ABS-CBN noontime show.

Sa isang interview noong unang linggo ng November 2019, inamin ni Vice na isang taon na silang magkarelasyon ni Ion.

Paglalarawan pa niya sa nararamdaman, “It’s liberating.

“Mas masarap kumilos, hindi nakakangawit, wala kang iniisip…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas ne-enjoy namin yung buhay.”

Samantala, ngayong araw, nag-post sina Vice at Ion sa kanyang Instagram Stories habang sakay sa eroplano papuntang Japan para magbakasyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda professes love for boyfriend Ion Perez: “Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results