Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Vhong Navarro marries longtime girlfriend Tanya Winona Bautista

by Rachelle Siazon
Nov 28, 2019
It's Showtime host Vhong Navarro jokes about wanting to kiss his bride Tanya Bautista at the start of their intimate wedding ceremony happening now in Kyoto, Japan.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza / @mymetrophoto (Dino Lara) Instagram

Ikinasal na ang Kapamilya TV host-comedian na si Vhong Navarro sa longtime girlfriend niyang si Tanya Bautista ngayong Huwebes, November 28.

Kasalukuyang nagaganap ang kanilang intimate wedding ceremony sa Four Seasons Hotel sa Kyoto, Japan.

"From This Moment" ni Shania Twain ang ginamit na wedding march ni Winona.

Base ito sa Instagram post na ibinahagi ng It's Showtime co-host ni Vhong na si Kim "Kuya Kim" Atienza.

Continue reading below ↓

Kahahatid pa lang kay Tanya sa altar ay hinawakan ni Vhong ang mukha ng bride at umaktong hahalikan ito.

Nagulat si Tanya at natatawang pinalo si Vhong.

Pabirong saway naman ni Kuya Kim kay Vhong, "Mamaya pa 'yan, e!"

May mga guest pa ang nagsabing "Easy! Easy!"

Kuwelang nagtaas ng dalawang kamay si Vhong na wari'y humingi ng pasensiya sa pagiging atat niyang mahalikan si Tanya.

THE WEDDING ENTOURAGE

Kabilang sa principal sponsors sa kasal nina Vhong at Tanya sina Edgar Mortiz (direktor ng Home Sweetie Home), Bobet Vidanes (direktor ng It's Showtime), Laurenti Dyogi (ABS-CBN TV production head), Ruel Bayani (ABS-CBN head of scripted format), Kim Atienza (It's Showtime co-host), at Chito Roño (direktor at talent manager ni Vhong).

Sa mga ninang, kabilang sina Cory Vidanes (ABS-CBN COO for broadcast), Roselle Monteverde (Regal Entertainment, Inc. producer), Olivia Lamasan (Star Cinema managing director), Malou Santos (former Star Cinema managing director), at Dra. Vicki Belo.

Continue reading below ↓

Ang mga groomsmen naman ni Vhong ay sina Ryan Bang, Billy Crawford, Jhong Hilario, Zanjoe Marudo, Piolo Pascual, GB Sampedro, at Arwind Santos.

Hindi naman taga-showbiz ang mga bridesmaids ni Tanya.

Nagsilbi ring reunion ng '90s dance group na Streetboys ang wedding nina Vhong at Tanya.

Hindi pinalampas ni Vhong ang pagkakataong mag-perform kasama ng iba pang Streetboys members.

Continue reading below ↓

May special dance showdown din sina Vhong at Tanya sa kanilang wedding reception.

OVERCOMING A STORM TOGETHER

Si Tanya ay creative manager sa ABS-CBN at nagsimulang writer ng mga teleserye sa network noong 2003.

Naisapubliko ang tungkol sa relasyon nina Vhong at Tanya nang mabiktima ang actor-TV host sa insidenteng pambubugbog, panggagapos, at pagditena sa kanya ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo noong January 2014.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos makipagkita ni Vhong kay Deniece sa condo unit nito noon sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Noong panahong iyon, isiniwalat ni Vhong na si Tanya ay kanyang longtime girlfriend, at malaki ang pasasalamat niya dahil hindi siya nito iniwan sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan.

Sabi noon ni Vhong, “But right now, mas lalong lumalalim ang aming pagsasama at pagmamahalan.

“Mas naiisip niya na mahal pa rin niya ako kahit sa nagawa kong ito sa kanya.”

Ang tinutukoy noon ni Vhong ay ang pagporma niya kay Deniece gayong may relasyon sila ni Tanya.

HOW THEY MET

Nagkakilala sina Vhong at Tanya sa set ng pelikulang My Only U noong 2008.

Si Tanya ang sumulat ng script ng pelikulang ito ni Vhong katambal si Toni Gonzaga.

Sa Instagram post ni Tanya ngayong Huwebes, November 28, sinabi nitong minahal niya si Vhong kahit hindi niya gusto noon ang brand of comedy nito.

Continue reading below ↓

Sabi ni Tanya, "I never liked him

"I didn’t find him funny - 'Jim Carrey-wannabe'

"That slowly changed

"In my eyes he became perfect."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vhong Navarro jokes about wanting to kiss his bride Tanya Bautista at the start of their intimate wedding ceremony happening now in Kyoto, Japan.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza / @mymetrophoto (Dino Lara) Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results