PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mel Tiangco reveals proudest moment as host of Magpakailanman

Mel Tiangco says she felt vindicated when she returned as the host of Magpakailanman.
by Rommel Gonzales
Published Nov 29, 2019
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nag-premiere ang drama anthology na Magpakailanman noong Disyembre 2002, at nagpahinga noong Disyembre 2007.

Bumalik ito sa ere noong Nobyembre 2012, at nagdiriwang ngayon ng ikapitong anibersaryo.

Suma tutal ay 12 taon na ang pagho-host dito ni Mel Tiangco.

“Hindi mabubuo ang isang masterpiece such as Magpakailanman kung hindi sa tulong, sa pagod, sa galing ng maraming tao,” ang mariing pahayag ni Mel sa mediacon nitong November 27, Miyerkules sa 17th floor ng GMA Network.

“And what I mean is the production staff, you have our director, you have our PAs [personal assistant], marami kaming nagtutulung-tulong para mabuo ang magandang napapanood ng ating mga MELlennials!”

MELlennials (portmanteau ng Mel at millennials) ang bansag niya sa mga bumubuo ng Magpakailanman.

“Talagang lalong umigting iyon sa pag-iisip ko, sa consciousness ko, na marami kaming bumubuo ng Magpakailanman para ito’y maging napakaganda para sa televiewers natin.

“When I see that, it doesn’t begin and end there, hindi lang iyon, hindi lang yun ang ibig kong sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang mas malalim na ibig kong sabihin ay ganito. Pag ang isa o dalawa diyan sa napakaraming iyan, pumalpak... ang bigat na, ang bigat na para sa lahat ng bumubuo ng show.

“So, what I’m saying is, it is imperative for each and every member of the entire production crew, the production team, na gawin yan nang maayos, yung kanyang responsibility.

“Kasi, kung hindi kawawa yung mga kasama niya.

“Kasi, iyon ay magiging dagdag na pabigat dun sa iba. Iyon ang ibig kong sabihin.

“So iyon, yung paggagawa ng show na sama-samang nagtutulungan dapat.”

Bilang host ng Magpakailanman sa GMA, ano ang maituturing ni Mel na kanyang proudest moment?

“E, di siyempre, nung bumalik,” at tumawa si Mel.

“Di ba? Kailangan pa ba… do we need anything else? You know, to vindicate? Sabi ko nga, parang na-vindicate ang feeling ko, na-vindicate ako.

“Nung presscon nung bumalik, o hindi ba ako’y napaiyak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Biro mo nung tinanggal yun, hindi ako umiyak! Wala, ayaw nila sa akin, o huwag!

“Pero pagbalik ko, aba, iyon yung ako ay napaiyak, e! Why? Kasi feel na feel ko, na feel na feel ko na, oh my… di ba?

“Importante pala ako, importante pala ang Magpakailanman! At ang Magpakailanman pala ay mahal din ng GMA.

“So iyon, iyon ang pinaka-talagang pinaka…

“Yes, itong second salvo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results