Dalawang achievements ang ipinagmamalaki ngayon ni Heart Evangelista.
Una, ang napili siyang makasama sa Vogue International 100 List.
Sa report ni Lhar Santiago ng "Chika Minute" ng 24 Oras, "Ang 100 list ay pinipili mula sa mga fashionable women sa buong mundo na namumukod-tangi sa kanilang larangang ginagalawan."
Sa susunod na taon, nakatakda raw na makipagkita si Heart sa Vogue Editor-In-Chief na si Anna Wintour.
Pangalawang achievement ni Heart ay ang pagbibigay ng tahanan sa isang palaboy na kumukupkop sa mga asong gala.
Kasama ang dog rescue group na PAWSsion Project, sinurpresa ni Heart ang palaboy na si "Kuya Jun" na kumukupkop ng mga ligaw na aso.