“Nahihiya” si Darna, kaya ang “proud” na fiancé na lang ang magpu-post para sa kanya.
Ito ang malinaw na mensahe sa latest post ni Neil Arce nitong Martes, December 3.
Sa Instagram, ibinahagi ng film producer ang screenshot ng isang CNN report tungkol sa pagkakapili ng Forbes Asia sa fiancée niyang si Angel Locsin para mapasama sa taunang Heroes of Philanthropy list ng magazine.
Tanging si Angel, 34, at si SM Prime Holdings, Inc. Director Hans Sy ang mga Pilipinong napabilang sa “30 outstanding altruists... for 13th annual Heroes of Philanthropy list which honors billionaires, entrepreneurs and celebrities across the region who are committed to solving some of the most pressing issues facing the Asia-Pacific.”
Sa post ni Neil, ipinagmalaki niya ang panibagong tagumpay ng kanyang “strong independent woman.”
Caption ni Neil: “Dahil nahihiya ka ipost ako na lang mag post (grinning face with smiling eyes emoji) my strong independent woman!
“IM proud of you my Love!”
View this post on Instagram
TRUE ANGEL, REAL-LIFE DARNA
Nagpaabot ng pagbati kay Angel ang mga kapwa niya celebrities.
Para kina Loisa Andalio, Jake Cuenca, Senator Pia Cayetano, at Nicole Andersson, bumagay kay Angel ang kanyang pangalan dahil napakabuti raw nito sa pagtulong sa kapwa.
Komento ng ilang fans ng aktres, isa siyang “real-life Darna” sa pagsaklolo sa mga nangangailangan ng ayuda.
Taong 2005 nang gampanan ni Angel ang iconic role ng Pinay superheroine sa serye ng GMA-7.
MORE THAN P15 MILLION DONATION
Ayon sa artikulo ng Forbes nitong Lunes, December 2, kinilala ng magazine ang pagdo-donate ni Angel ng “P1 million and distributed truckloads of relief supplies” sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao nitong Oktubre.
Kabilang din sa mga ikinunsidera ng 102-anyos na magazine ang pagtulong ng actress-humanitarian sa mga naapektuhan ng limang-buwang digmaan sa Marawi City, Lanao del Sur, noong 2017.
Saad sa Forbes article, si Angel “joined the Rural Missionaries of the Philippines, donating and distributing food packets and school supplies to tens of thousands” na nawalan ng tirahan sa bakbakan.
Paliwanag pa ng Forbes: “Over the past decade, Locsin has donated as much as 15 million pesos to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children.”
Binanggit din sa artikulo na daan-daang pamilya ang nakinabang sa ibinigay na donasyon ni Angel sa mga sinalanta ng mga bagyong Ondoy (2009) at Yolanda (2013).
OTHER ASIAN PHILANTHROPISTS
Samantala, kinilala ng Forbes ang pagpapatayo ni Hans Sy, 64, ng Child Haus para sa pagpapagamot ng 40 batang may cancer.
Ang center ay nagsisilbi ring temporary shelter ng mga pamilya ng mga batang pasyente, lalo na ng mga taga-probinsiya na walang matutuluyan sa Metro Manila habang nagpapagamot.
Bukod kay Angel, pasok din sa Heroes of Philanthropy list ng Forbes ang isa pang celebrity, ang South Korean singer-actress na si IU.
Ayon sa Forbes, sa nakalipas na limang taon ay umabot na sa $800,000 (PhP40.8 million) ang donasyon ni IU sa iba’t ibang adbokasiya, kabilang ang ibinigay niya sa Seoul Association of the Deaf at Childcare Korea.