Alex Gonzaga slams poser using her identity for online scam

by Bernie V. Franco
5 days ago
Alex Gonzaga takes to Twitter to slam poser who is using the Kapamilya star's identity for online scam.
PHOTO/S: Noel Orsal / Photo from Twitter

“Wag ako.”

Bahagi ito ng banat ni Alex Gonzaga, 31, laban sa isang poser na ginagamit ang kanyang identity para manloko ng ibang tao.

Ngayong Miyerkules, December 4, ni-retweet ng TV host/actress/social media influencer ang mensahe ng isang Twitter user na may handle name na @alexgonzaga.

Tweet ni Alex laban sa poser: “FAKE! Kung poser at fake account ito malamang di rin totoo ang pagive-away nito. And lastly FYI OPPO dapat pinamigay mo tangek”

Continue reading below ↓

Deactivated na ang account ng poser kaya hindi na mababasa ang kanyang tweet.

Pero malinaw sa tweet ni Alex na ang poser ay nanloloko ng netizens—kabilang ang fans ni Alex—gaya ng pagbibigay ng giveaways.

May isang fan na nakapag-screenshot ng Twitter bio ng poser, na ginamit ang larawan ni Alex para sa kanyang profile photo, wallpaper, at pangalan.

Continue reading below ↓

Nag-react ang supporters ni Alex at may umaming nabiktima sila ng poser.

Continue reading below ↓

ALEX LAMBASTS POSER

Pero hindi rito nagtatapos ang istorya.

Isang supporter ni Alex ang nag-share ng dalawang larawan ng Kapamilya TV host-actress na nilagyan ng ekis.

Sa isang larawan ay naka-impose ang statement na bumabatikos kay Alex dahil daw sa kasamaan ng ugali nito.

Bahagi ng statement (published as is): “dis is to the most cancelledt influencer and awkward vlogger @cathygonzaga napaka yabang mu porket marami kalang subs sa youtube akala mu sobrang sikat kana at luluhudan ka ng mga tao at magkakandarapa ang nga tao para gmawa ng fake accs mo…”

Pag-aakusa pa nito kay Alex: “kahit yung mga fans mo pinaplastik mo lang sila.

“kawawa magulang mo sayo pati na mapapangasawa mo di nia deserv ka2lad mo kasi puro ka kayabangan at lagi mung ibinababa lahat ng tao sa paligid mo.

“sna baguhin mo na ugali mu. mayaman kna maging mabuting tao ka naman”

Hindi malinaw kung galing ang reaksiyong ito sa poser na ibinunyag ni Alex o sa ibang hater niya dahil wala itong pagkakakilanlan.

Continue reading below ↓

Pero sa sagot ni Alex, malinaw na patama niya ito sa sinumang ginagamit ang kanyang identity para manloko.

Sinabi ng Kapamilya star na mayroong isang “Alex Gonzaga” sa Facebook na napapaniwala kahit mga kaibigan ni Alex, pero manloloko lang pala.

Ani Alex (published as is): “For the longest time hinahayaan ko yung Alex Gonzaga account sa FB kahit dami nagsasabi pareport ko. Ang dami kahit kaibigan ko akala ako yun pero hinayaan ko nalang but ang nagclaim ng copyright at magopagive away kuno para sa followers sobra ng panloloko kaya wag ako.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Alex Gonzaga, hardcore fans
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga takes to Twitter to slam poser who is using the Kapamilya star's identity for online scam.
PHOTO/S: Noel Orsal / Photo from Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results