Louise delos Reyes, umamin nang nakikipag-live-in sa non-showbiz boyfriend

by Noel Orsal Text: Rommel R. Llanes
5 days ago
Pagiging praktikal daw ang isa sa mga dahilan kung bakit nakikipag-live-in ngayon si Louise delos Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Video: Noel Orsal.

Kausap ang mga showbiz reporter, umamin si Louise delos Reyes, 27, na nagli-live-in na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ani Louise isang taon na rin silang nagli-live in ng boyfriend niyang isang arkitekto at bar owner.

Bukod sa boyfriend may kasama pa silang dalawang tao na katulong din nila sa pagrenta at sa mga gastusin sa bahay.

Continue reading below ↓

Para kay Louise, praktikal daw ang pakikipag-live-in sa boyfriend. Lalo na ngayong wala na siyang parents at may pamilya na rin ang mga kapatid niya.

Nagkakakilala sila nang husto ng boyfriend, bago pa sila tuluyang maging mag-asawa at magkaanak.

Wala pa naman daw sa plano nila ang magkaanak at pinanghahawakan pa rin niya ang values na naituro sa kanya ng magulang na "kasal muna, bago anak."

Pero sa kabila nito, hindi niya raw nire-recommend ang pakikipag-live-in sa mga magkasintahan.

"Kapag nasa tamang edad ka na at alam mo yung desisyon mo, hindi ka yung basta, 'I want to be with my boyfriend, we're gonna live-in, mahal namin ang isa't isa.'

"No. Because there's a lot of responsibilities," pagwawakas ng My Bakit List star.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results