Dinepensahan ni 2019 Southeast Asian (SEA) Games two-time gold medalist gymnast na si Carlos Yulo si Mark Bautista, na minalisyahan ng ilang netizens matapos siyang i-follow ng singer sa Instagram.
Nagsuspetsa ng malisya ang ilang followers ni Carlos sa pagpapadala ng direct message (DM) at pag-follow ni Mark sa 19-anyos na atleta ngayong Miyerkules, December 4.
Si Carlos, kaagad na ipinost sa Twitter ang screenshot ng DM ni Mark sa kanya, gayundin ang Instagram profile nito.
DM ni Mark: “Congrats, man!!amazing!”
Reaksiyon ni Carlos: “Okay I’m shocked (shocked face with exploding head) He messaged me and he followed me aswell wtf?! (shocked face with exploding head, hot face emojis)”
Okay I’m shocked ????
— Carlos Edriel Yulo (@c_edrielzxs) December 4, 2019
He messaged me and he followed me aswell wtf?! ???????? pic.twitter.com/R1fo6kkrfS
Ginamit pa nga ni Carlos sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng mensahe ni Mark sa kanya bilang pasasalamat.
Nauna rito, ibinahagi ni Mark, 36, sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng news report sa pagkakamit ni Carlos ng ikalawang gold medal sa SEA Games nitong Martes, December 3.
Ngayong Miyerkules ng umaga, ipinost ng singer sa Instagram ang video niya habang nag-a-acrobatics.
Caption ni Mark: “Flex ko lang to (literal) bilang daming Natanggap na Gold and Philippine Athletes natin.. (beaming face with smiling eyes, peace sign emojis) Congratulations to all our Pinoy athletes di biro ang pinagdaanan nyo.Mabuhay kayo!”
Gayunman, nilagyan ng malisya ng ilang Twitter followers ng teen gymnast ang pag-follow ni Mark dito.
May naghinalang "crush" daw ni Mark si Carlos.
February 2018 nang aminin ni Mark na isa siyang bisexual.
Ang ibang netizen, hindi nagustuhan ang tweet ni Carlos, at tinawag siyang “ugaling kanal.”
Mabilis namang ipinagtanggol ang teen athlete ng kanyang followers, at sila na ang nagsagutan laban at pabor kay Carlos.
Makalipas ang ilang oras, nag-trending ang “Mark Bautista” sa social media.
Dahil dito, nag-tweet muli si Carlos upang ipaliwanag na “out of excitement” kaya isinapubliko niya ang DM na natanggap mula sa isang celebrity na tulad ni Mark.
Ipinagtanggol din niya ang singer laban sa mga malisyosong netizens nang bigyang-diin na ang “message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting.”
Sa huli, umapela siya sa publiko na pagtuunan na lang ng pansin ang paghahakot ng medalya ng mga atletang Pinoy sa SEA Games.
Kabuuan ng tweet ni Carlos: “It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement.
“Kindness, message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting.
“Let’s focus on #SeaGames2019 and winning as One. (one hand sign, Philippine flag emojis)”
It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement. Kindness, message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting. Let’s focus on #SeaGames2019 and winning as One. ?????????????
— Carlos Edriel Yulo (@c_edrielzxs) December 4, 2019
Hanggang sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa paghahakot ng medalya sa SEA Games, na idinadaos sa bansa hanggang sa December 11.
Featured Searches: