PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roxanne Barcelo intends to produce her own record

Roxanne Barcelo on producing her own album: “Hindi ko naman iniisip yung kikitain.”
by Rose Garcia
Published Dec 7, 2019
Roxanne Barcelo on producing her own album: “Hindi ko naman iniisip yung kikitain.”

Limang buwan nang pumanaw ang ama ni Roxanne Barcelo. Pero may mga gabing nagigising pa rin siya at nami-miss ito.

Isa ba sa mahirap na parte ng pagkawala ng ama ay iyong siya ang tatayong breadwinner para sa pamilya?

“Never namang naging mahirap yun,” tugon ni Roxanne.

“Kasi, pamilya mo yun, e. Kumbaga lahat kami, si Tim [nakababatang kapatid ni Roxanne]. Well, for me, the hardest part is yung nami-miss ko lang talaga siya. Yun lang.

“May mga bagay na I wish, I can share with him. But hopefully, nakikita niya ‘to at baka dahil din sa kanya ‘to.”

Ang tinutukoy ni Roxanne ay ang maganda at mainit na pagtanggap sa kanya nang sumali siya sa TNT sa It’s Showtime.

“Wala akong ine-expect. Sabi ko nga, kakanta lang ako na walang luha. Yun lang ang goal ko. Well, lahat ng ibang nangyari, hindi ko yun inisip at all.

“More on, sana, matapos ang kanta na hindi ako umiiyak,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masyadong memorable para sa kanya ang kantang "Somewhere Over the Rainbow" na kinanta niya sa TNT. Isa ito sa mga kanta niya para sa ama, gayundin ang "Moon River."

“Kanta ko talaga yun sa tatay ko. Yung 'Somewhere Over the Rainbow,' masyado yung effect niya sa akin nung araw na yun.

“Yung meaning niya, yung lahat ng nae-experience natin ngayon, matatapos din ‘to, just somewhere over the rainbow, there’s happy ending, di ba?

“Even if I’m grieving, kilala niyo naman ako, happy person ako. Yung heartbreak, chika lang, waley, waley na waley ditey. Ito talaga yung nabugbog yung heart ko.”

Sa 2020, may plano si Roxanne na maglabas ng isang kanta na siya na ang magpu-produce. Ang kantang ito ay isinulat mismo ng ama niya.

“Kinompose niya noong araw pa,” lahad ni Roxanne.

“Naging song pa namin noong high school, grad song namin. Parang regalo lang din ni Tatay. Sinulat niya yun noong elementary ako, para sa mga magulang naman niya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang title ng kanta ay "Thank You, Mama, Thank You, Papa."

“Simple lang ang lyrics niya. Pero sabi ko, wala naman akong record label, ako rin naman ang nag-iipon para ma-produce ang album ko, gusto ko lang.

“Hindi ko naman iniisip yung kikitain.”

Nagulat kami sa sinabi ni Roxanne na kinakalimutan na sana niya ang pagkanta.

“Ayoko na kasing kumanta, e,” biglang pag-amin niya.

“Kasi parang... wala eme talaga, si Tatay lang naman talaga yung [nagsasabi], 'Play mo naman anak yung nirecord mo.'

“Minsan nahihiya pa ako kapag nagda-drive, Tatay naman, ‘wag na nating anuhin yun. Sasabihin niya, 'Hindi anak...'”

Ang pagiging singer ang kanyang “first love.” Nag-launch pa siya ng sexy song tulad ng "Morena."

Napipilitan lang ba siya noon?

“Hindi naman napipilitan. Siguro, yung gusto kong tunog, hindi ko mailabas. Yung very hopeful, Disney, hindi naman birit, although type ko rin naman yung mga eme-eme.

“Like yung 'Morena,' sinabi sa akin ni Boss Vic [del Rosario], ‘Gawan mo ako ng sexy song.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, as an artist, ayoko naman na basta sexy-sexy. Hindi niya alam, noong sinulat namin yun, Morena, Filipina. Kumbaga, may ibang adbokasiya.”

Puwedeng sabihin na dahil sa positibong response sa performance niya sa It’s Showtime, nagulat siya at naisip na puwede pa rin pala siyang kumanta?

“Na-shookt nang malala!” bulalas ni Roxanne.

“Puwede ko palang ilabas ang totoo kong tunog. Kasi, palagi nilang sinasabi na hindi ‘yan kikita. Yung tunog na ‘yan, hindi ka naman ganyan. Kaya nga ako nag-sign.

“Although, happy ako sa Viva. Pero ganun talaga, you have to prove yourself, always. Proving, proving. Pero, parang wala na ko sa proving, kung ano ako, yun na ako.”

Bukod sa pagkanta, may teleserye rin siyang gagawin sa ABS-CBN kasama si Bea Alonzo. Ang mga ito ang gusto niyang gawing prayoridad sa 2020.

Kung sa teleserye ay kontrabida siya, sa bago niyang pelikula na Love is Love ay transgender ang papel niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa recent press con ng Love is Love sa Limbaga 77 nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne.

RELATED STORY

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roxanne Barcelo on producing her own album: “Hindi ko naman iniisip yung kikitain.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results