Spotted sa Tagaytay City ang Hollywood star na si Matt Damon.
Ang kapatid ni Chris Tiu at food writer na si Cheryl Tiu ang nag-post sa Twitter ng balitang nasa Pilipinas nga ang Bourne series actor.
Post ni Cheryl sa kanyang Twitter (published as is):
"My Dad and his team with actor Matt Damon at Tagaytay Highlands. He flew in to Manila then straight to Highlands where he spent 2 nights."
Liban sa post na ito, wala pang ibang detalye kung bakit nasa Pilipinas si Damon.