(UPDATED) Matt Evans's businesswoman-wife nabbed for estafa

by Jet Hitosis
Dec 5, 2019
Makati City Police confirm the arrest of actor Matt Evans's wife, businesswoman Riza Katrina Evans, on December 4, for estafa.
PHOTO/S: @matt3vans on Instagram

Inaresto ng Makati City Police ang misis ng aktor na si Matt Evans dahil sa kasong estafa.

Kinumpirma ng Makati City Police ang pagdakip kay Riza Katrina Evans, 32, businesswoman, residente ng Sampaloc, Manila, bandang 5:30 ng hapon nitong Miyerkules, December 4.

Dinakip ng mga operatiba ng Makati City Police-Warrant and Subpoena Unit si Riza habang nasa 14th floor ng Makati City Hall sa Barangay Poblacion.

Ayon kay Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon, nasa City Hall si Riza nang arestuhin matapos dumalo sa hearing sa isang hiwalay na kaso.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Col. Simon tungkol sa naturang hiwalay na kaso.

Ang arrest warrant para sa estafa ay ipinalabas ni Makati Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 66-A Judge Clemente M. Clemente.

DETAILS OF THE CASE

Ayon sa court documents na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inireklamo si Riza ng isang Arran P. Galvan, sa pagpapanggap umano ng ginang na "she is connected with TBA Studios."

Continue reading below ↓

Ang TBA Studios ang nag-produce ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral, na ipinalabas sa bansa noong September 2018.

Nakasaad sa impormasyon ng kaso na pinaniwala umano ni Riza ang complainant na siya ay "authorized by the said production company to solicit investment to finance the production of the said movie and by means of other deceits of similar import, induced and succeeded in inducing complainant to give the total amount of Php2,000,000.00 to her as investment."

Ito, ayon sa hukuman, ay kahit pa alam mismo ni Riza "that her representations are all false and fraudulent because she is not in any way connected with TBA Studios."

Nangyari ang insidente noong Oktubre 2017 sa Makati, ayon sa court documents.

Itinakda ng korte ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Riza.

Bago mag-alas kuwatro ng hapon ngayong Huwebes ay nakapagpiyansa na si Riza, na halos 24 oras na napiit sa Makati City Police headquarters.

Continue reading below ↓

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Matt hanggang sa mailathala ang report na ito.

RIZA FILES ESTAFA CASE AGAINST FORMER BUSINESS ASSOCIATE

September 28 ngayong taon, sa exclusive interview ng PEP.ph kay Matt, nagpahayag ng pagkadismaya ang aktor sa mabagal na usad ng kasong estafa na isinampa nila laban sa isang taong "napagkatiwalaan" ni Riza.

Ayon kay Matt, “itinakbo lahat” ng hindi niya pinangalanang tao ang aabot sa P6 million cash at mga gamit mula sa resale business ni Riza.

Sinabi ng 33-anyos na Pinoy Big Brother alumnus na taong 2016 pa nila isinampa sa Cebu City Prosecutor's Office ang kasong estafa laban sa taong pinagkatiwalaan ng kanyang misis.

Aniya, wala pa ring desisyon ang korte sa kaso.

Kuwento noon ni Matt sa PEP.ph: “So, nung time na yun, nung hindi na siya nagbibigay ng mga gamit, ang nangyari po, hindi na nakakabayad nang maayos.

“So, nagkakapatung-patong.

Continue reading below ↓

“So, ngayon, parang kami, siyempre po may mga financier din po kami na kinunan.

“E, si Misis, hindi naman namin totoong pera yun. Kumbaga, nagre-resale din si Misis.

“Kami yung sumalo ng mga bayarin.”

CYBERBULLYING CASE VS RIZA

Sa parehong interview, kinumpirma ni Matt na bilang taktika para umano ma-delay ang kaso, nagreklamo ng cyberbullying case laban kay Riza ang taong kinasuhan nila.

Ito ay matapos na mag-rant sa Facebook si Riza laban sa naturang tao.

Kaagad namang nakapagpiyansa si Riza sa kinakaharap na cyberbullying case, ayon sa ABS-CBN News.

Taong 2013 nang ikinasal sina Matt at Riza, at mayroon silang tatlong anak.

Si Riza ay napaulat na nagmula sa political clan ng mga Fariñas sa Ilocos Norte.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makati City Police confirm the arrest of actor Matt Evans's wife, businesswoman Riza Katrina Evans, on December 4, for estafa.
PHOTO/S: @matt3vans on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results