Liza Soberano describes the "Quen Kiss" at ang makasira-kamang insidente nila ni Enrique Gil
Tinanong si Liza Soberano kung ano ang level o grade ng kiss ng boyfriend na si Enrique Gil.
Naghiyawan ang mga showbiz reporter na nasa presscon ng LizQuen iWant series na Make It With You sa naging sagot ni Liza.
Mas lalong naghiyawan ang mga tao sa presscon nang ibuko pa ni Liza na sa isang eksenang ginawa nila noon, nakasira ng kama si Enrique!
Iba ang naging dating ng sinabing ito ni Liza sa mga reporter na may mga malilikot na isip, at tila walang ideya si Liza sa kung anuman ang iniisip ng mga reporter.
Nalinawan lang ang lahat sa tinuran ni Liza nang ikinuwento nito kung paanong nakasira ng kama si Enrique.





