Ipinakita na ang bagong Miss Universe crown na tinaguriang "Power of Unity."
Ang diamond-studded crown na gawa ng kumpanyang Mouawad ay nagkakahalaga ng US$5 million.
Pinalitan nito ang Mikimoto crown na isinuot kay Catriona Gray ng Miss Universe 2017 na si Demi-Leigh Nel-Peters nung manalo ang Filipina-Australian beauty queen nung December 17, 2018, sa Bangkok, Thailand.
Samantala, sinabi naman ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados, na gagawin niya raw ang lahat para matupad ang hiling ng Filipino pageant fans na back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Universe at maiuwi ang prestihiyosong korona at title.