Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mico Palanca’s family issues official statement about his death

by Jojo Gabinete
Dec 10, 2019
In a statement sent to PEP.ph, Mico Palanca's family thanks people who have expressed their condolences for the 41-year-old actor's sudden passing.

Ang igalang ang kanilang privacy sa panahon ng pagdadalamhati ang marespetong hiling ng naulilang pamilya ni Mico Palanca.

Pumanaw si Mico noong December 8, 2019.

Pero kahapon, December 9, nalaman ng publiko ang malungkot na balita.

Hinintay pang ma-identify ng isang miyembro ng pamilya ang kanyang mga labi.

Ngayong Martes, December 10, natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang opisyal na pahayag ng Palanca family tungkol sa pagpanaw ng 41-year-old actor.

"We are extremely saddened by the sudden passing of our beloved brother, Miko Palanca.

“The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today.

"As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time.

"Again, we appreciate all the love and support — thank you so much

" —Pita, Lisa, Bernard, Erika, Martin and Santi"

Ang mensaheng ito ay galing sa ina ni Mico na si Pita Revilla-Palanca at mga kapatid na sina Bernard, Erika, Martin, at Santi.

Continue reading below ↓

Si Mico ay apo ni Armando Goyena, ang matinee idol noong dekada ‘50.

Bata pa lamang si Mico nang mamatay ang kanyang ama, ang race car driver na si Bernard Palanca Sr.

Inaasahan ang pagdating bukas sa Pilipinas ni Pita mula sa Amerika.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a statement sent to PEP.ph, Mico Palanca's family thanks people who have expressed their condolences for the 41-year-old actor's sudden passing.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results