Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sharon Cuneta no hard feelings toward President Duterte

by Gorgy Rula
Dec 10, 2019
Sharon Cuneta on President Rodrigo Duterte: "Ako, imbes na magalit, naiintindihan ko siya, e. Kasi siyempre miyembro ng oposisyon ang asawa ko, ‘tapos ako parang anak niya."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi apektado ang mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan sa patutsada ni President Rodrigo Duterte laban sa senador.

Sinagot ni Sharon ang isyung ito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa celebrity premiere ng pelikulang Mindanao na ginanap sa Podium nitong Lunes ng gabi, December 9.

Naging usap-usapan kamakailan ang sinabi ni President Duterte sa isang speech na gusto na raw ni Sharon palayasin si Senator Kiko sa kanilang bahay, pero ayaw lang daw nitong umalis.

Ayon sa Megastar, hindi siya nasaktan sa mga binitiwang pahayag ng Pangulo.

Saad niya, “Alam mo naman, tatay ko yun.

“Sabi ko naman, parang tatay na hindi nag-a-approve sa boyfriend mo, parang ganun.

“Kasi noon nga, may sinasabi pa siya sa Bukidnon na yung asawa ko daw, 'Bubuntalin ko ‘yan kung hindi lang dahil kay Sharon.'”

Malalim na raw ang pinagsamahan nila ng Pangulo pati ang pamilya nito, kaya naiintindihan daw niya kapag nagsasalita ito ng ganun.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Sharon, “Kasi, I cannot be angry at him because I have a history with him, yung pamilya ko, wala.

“My father… since Inday Sarah was very small. Parang kami nina Jinggoy [Estrada], ganun na katagal.

“Hindi basta-bastang puwedeng ano… parang tatay.

“So, ang wish ko lang, someday, magkakilala sila ni Kiko.

“Saka, Tatay is very protective of me. Pero gusto ko lang ipaalam sa kanya na okay na okay kami ngayon.”

Si Sharon ay anak ng yumaong si Pablo Cuneta, na nanungkulan bilang mayor ng Pasay City sa loob ng 41 taon.

NO REACTION FROM SENATOR KIKO

Si Senator Kiko ay kabilang sa oposisyon, ang Liberal Party, na matinding kalaban sa pulitika ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Sharon, parang nakasanayan na ni Senator Kiko kapag may mga sinasabing ganun ang Presidente kaya hindi na ito nag-react.

Hindi lang daw maiwasang mag-react ng mga anak nila, partikular na si Frankie Pangilinan na hayagang binatikos ang Pangulo sa social media.

Continue reading below ↓

Diin ni Sharon, “Wala akong sama ng loob kay Tatay.

“Ang na-affect talaga yung mga anak ko. You can’t blame them.

“Ako, imbes na magalit, naiintindihan ko siya, e. Kasi siyempre, miyembro ng oposisyon ang asawa ko, ‘tapos ako, parang anak niya.

“Like I said, I’m the only one in the family that has a history with him, then recently my brother, di ba?”

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang kanyang kapatid na si Chet Cuneta, na inendorso ng Pangulo nang tumakbo itong mayor ng Pasay City noong nakaraang eleksyon. Pero hindi pinalad manalo ni Chet.

Patuloy ng actress-singer, “So, parang hindi puwedeng basta-basta…

“I know where he’s coming from. So let’s just put it that way.

“Parang ano lang ‘yan, parang tatay na ayaw ang boyfriend mo.

“That’s the way lang I take it.

“Pero tingnan mo, wala nang sumunod, di ba?

“After nito… kasi parang nalaman niya na, ‘A, okay na pala ‘tong anak ko.’

Continue reading below ↓

“I don’t think naman na ang babaw na sasabihin niya yun kung feeling niya… kung mas may mahalaga pang kailangang sabihin.

“Siguro dala ng inis niya kay Kiko, ‘tapos ako yung naiisip niya na parang daughter nga niya ako.”

Alam daw ni Sharon na wala nang kasunod ang patutsada ni Pangulong Duterte dahil hindi na nag-react si Senator Kiko.

“Nung natapos, natapos. Hindi naman kami na-affect.

“Ang mga bata, once you reassure them… talagang hindi affected.

“Kasi talagang matagal na siyang pinapagalitan ni Tatay.

“Okay lang siya. He’s understanding,” sabi ni Sharon sa tanong namin kung ano ang reaksiyon ng kanyang mister.

Ang ikinalulungkot lang daw niya ay kung bakit nagkakaganito dahil sa pulitika.

“Feeling ko, parang sagabal sa ganda ng buhay ang pulitika talaga, e.

“Naiinis ako sa pulitika talaga. Kung wala yun, magkakasundo sila,” himutok ni Sharon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on President Rodrigo Duterte: "Ako, imbes na magalit, naiintindihan ko siya, e. Kasi siyempre miyembro ng oposisyon ang asawa ko, ‘tapos ako parang anak niya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results