PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who do you think will win The Clash Season 2?

The Clash Top 5 are Jeremiah Tiangco, Antonette Tismo, Jeniffer Maravilla, Nef Medina, and Thea Astley.
by Rose Garcia
Published Dec 15, 2019
Who among the Top 5, comprised of Antonette Tismo, Thea Astley, Jeniffer Maravilla, Jeremiah Tiangco and Nef Medina, will be hailed The Clash Season 2 grand winner?


Ngayong gabi na, December 15, ang final episode ng The Clash kunsaan malalaman na kung sino ang The Clash Season 2 Grand Winner sa Top 5 na sina Jeremiah Tiangco, Antonette Tismo, Jeniffer Maravilla, Nef Medina, at Thea Astley.

Sa episode kagabi, ang pambanto ng mga Mangyan sa Mindoro na si Aljon Gutierrez ang natanggal. Bago ang final episode, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Top 5.

JEREMIAH TIANGCO
(POP HEARTTHROB NG IMUS)

Ang 22-year-old contestant na si Jeremiah ang isa sa sinasabing matunog na maging The Clash Grand Winner sa final episode ngayong gabi.

Ang tawag niya sa sarili ay hari na ng mga audition dahil bata pa lang daw siya ay kumakanta na at nag-o-audition.

“Actually, hanggang ngayon po, hindi pa rin nagsi-sink-in na nakapasok po ako sa grand finals. Katulad nga po ng palagi naming sinasabi, lahat po talaga deserving,” saad ni Jeremiah.

Sobrang overwhelming daw ang nangyayari sa kanya ngayon.

“Minsan nagkakaroon din po ako ng doubt na, bakit ako nandito, deserve ko po ba talaga?”

Nasagot ba niya ang tanong niya kung deserving nga siya na mapabilang sa Top 5?

“Opo, kaya po kami nandito, kasi pinili po kami ng judges. Na-filter po kami, nasala po kami nang maayos at siguro, nakita rin po nila ang so much potential sa bawat isa. Kaya nandito po ako ngayon.”

Nali-link si Jeremiah sa kapwa niya Top 6 clasher na si Thea Astley. Pero itinanggi nito na nililigawan na niya ang dalaga.

“Hindi ko po nililigawan si Thea. For now, competition po muna tayo.”

May plano ba siyang ligawan si Thea?

“Kung may pagkakataon, after competition po. Actually po, kasama ko po siyang nag-audition. Parang audition palang, kasama ko na siya. Parang 5-6 months na po kaming magkakakilala.”

Sa Top 6, si Antonette Tismo ang kinokonsider ni Jeremiah na mahigpit niyang kalaban.


ANTONETTE TISMO
(Ang Viral Princess ng Parañaque)

Si Antonette Tismo, 16, ang pinaka-bunso o pinakabatang nakapasok sa Top 5 ng The Clash. Si Antonette ang nakikita ni Jeremiah na threat sa kanya.

“Hindi ko na po alam, kasi po halos Top 64 pa lang, siya na po [Jeremiah] ang sinasabing threat. 'Tapos, yung threat sa kanila, ako po yung sinasabing threat din.

“Pero hindi ko po iniisip yung threat-threat na ‘yan. Kasi, ayoko pong lumaki ang ulo ko. Ayoko pong isipin na advance na ko sa kanila o angat na ko sa kanila, hindi ko po iniisip yun.”

Katulad ng unang grand winner ng The Clash na si Golden Cañedo na halos ka-edad niya rin noong manalo, nakikita ba niyang baka maulit ang history at bata rin na tulad niya ang tanghaling grand winner ngayon o naiisip niyang baka iba naman ang piliin?

Aniya, “Yun po ang iniisip ko, kasi last year, may biritera na, bata. Pareho kami ng genre, pareho kaming parang yung status sa bahay. Dati, iniisip ko kung may chance ba ko na maging katulad niya.

“Pero alam ko po na sa performance pa rin binabase. At saka, alam ko po na ginagawa ng judges ang trabaho nila.”

Nag-viral si Antonette noong 2014 dahil nagtitinda siya ng kalamay sa eskuwelahan nila habang pinapakanta siya.

Nai-feature siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, Tinawagan din po ako sa Unang Hirit. Nag-Day-Off ako. After po no’n, ang dami nang nakakilala sa akin. Kapitbahay ko na lang, nagpapa-picture.”

Naging first runner-up na rin si Antonette sa The Voice Kids ng ABS-CBN. Kasama siya noon sa team ni Sharon Cuneta. Naisama rin siya ni Sharon sa America noong mag-concert ito doon.


NEF MEDINA
(Ang Comeback Kid ng Cavite)

Hindi raw talaga inaasahan ni Nef Medina na aabot pa siya sa Top 5 dahil naging wild card na siya na natanggal at nakabalik lang.

“Nagbihis na po ako no’n, as in, okay na po ako. Kasi nabigay ko naman po ang best ko kaya okay na sa akin. Pagdating ng wild card, yun po. Sobrang saya ko po, hindi ko po in-expect.”

Sa palagay niya, mula sa pagiging wild card, nakapasok sa Top 5, siya na kaya ang magiging second winner ng The Clash?

“Sana po,” sabi niya.

“Pero ako po ang tipong tao na sobrang happy na po ako sa place ko ngayon. Kasi, hindi ko po makokonsider ang sarili ko na kontesinger talaga. Being in the Top 5, masaya na po ako dahil mas mapapalapit ako sa pangarap ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangarap daw niya ay mapauwi na ang ama. Nineteen years old pa lang si Nef ay nagbabarko na ang tatay niya.

"Sixty years old na po siya ngayon, never pa silang nagsama nang matagal ng nanay ko.”

Sa tatlong judges, si Christian Bautista rin ang tila “kinatatakutan” ni Nef pero inaabangan at mas natsa-challenge siya sa komento nito.

Sina Jeremiah at Thea naman ang para kay Nef na posible niyang matinding kalaban.

THEA ASTLEY
(Ang R&B Sweetheart ng Qatar)

Sinabi namin kay Thea na mukhang sa pagpasok niya sa The Clash, dalawa ang posible niyang masungkit—career at lovelife—dahil sa pagiging open ni Jeremiah na may gusto ito sa kanya.

Natawa si Thea sabay hirit ng, “Unang-una po, nagpapasalamat po ako na ganun po ang tingin sa akin ni Jeremiah, na meron siyang care for me. Pareho naman po kami sa competiition na focused sa goal namin. Tingnan na lang po natin.”

Naka-base sa Qatar si Thea kunsaan nandoon ang kanyang pamilya. Nasa Pilipinas siya ngayon para mag-aral sa Ateneo. Pero dahil bigla siyang nakapasok sa The Clash, nag-stop muna raw siya ng second semester.

Kahit marami ang nagsasabing malakas siya para tanghaling grand winner ng The Clash, para kay Thea, hindi raw talaga niya nakikita lalo na dati na pang-contest ang boses niya.

“Ang tingin ko po talaga sa sarili ko, hindi pang-contest. Feeling ko, yung boses ko, hindi maa-appreciate sa contest. Hindi ko kinokonsider ang sarili ko na biritera and it’s a known fact na palaging yun naman po ang hinahanap.

“And it’s a skill na amazing, yung pagbirit and it’s a skill that I would like to have.”

Pero sabi niya rin, “Ngayong nasa Top 5 na po ako, I’m proud na rin po na yung boses ko ay nakarating dito at sana, yung ibang bata na ganito rin, yung feeling nila, hindi sila pang-contest, sana ma-inspire rin sila na kaya rin nila.”


JENIFFER MARAVILLA
(Ang Birit Beauty ng Malabon)

Beterana na rin si Jennifer sa iba’t ibang singing reality contest sa telebisyon. Kasabayan at kaibigan din ni Jennifer si Katrina Velarde.

Sa halip na mainggit, mas nai-inspire raw siya sa nararating nito.

“Mas nai-inspire ako kay bakla kasi, talagang ang bongga naman niya talaga ever since. Kahit noong bata pa lang kami, sobrang bilib na ako sa kanyang singing prowess and inexpect ko rin naman talaga na she will make it.

Sa lahat daw ng Top 5, siya ang “halimaw” ang boses.

“Ay, grabe naman po! I’m humbled,” nakangiting sabi niya.

Sa kabila nito, para kay Jennifer, lahat daw ng kasama niyang pumasok sa Top 5 ay threat talaga to be the grand winner.

“Actually po, to be honest, hindi ko nga po ine-expect na makakaabot pa ako this far. Hindi ko na ine-expect na makapasok ako sa Top 5. Wild card po kasi ako sa The Clash. And to be on the Top 5, e, panalo na po ako at itong mga kasama ko, umpisa pa lang ay nagagalingan na 'ko. Lahat po kami ay nag-grow at mas halimaw pa po sila lalo.”

Ang The Clash Season 2 ay tinatampukan din ng The Clash Panels na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas. Kasama ang Clash Masters na sina Rayver Cruz at Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at ang mga Journey hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Who among the Top 5, comprised of Antonette Tismo, Thea Astley, Jeniffer Maravilla, Jeremiah Tiangco and Nef Medina, will be hailed The Clash Season 2 grand winner?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results