PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos tells story behind sexy photo taken by husband Ryan Agoncillo

Judy Ann Santos asked if she and Ryan Agoncillo plan to have another baby.
by Bernie V. Franco
Published Dec 16, 2019
Actress Judy Ann Santos on why she allowed husband Ryan Agoncillo to post her sexy photo on social media: "Siyempre, pini-picture-an ako ng asawa ko, hindi ba ako a-awra?”
PHOTO/S: Noel Orsal / @ryan_agoncillo on Instagram

Nagbigay ng detalye si Judy Ann Santos, 41, tungkol sa pinag-usapang sexy photo niya na ipinost ng asawang si Ryan Agoncillo, 40, sa Instagram account nito.

December 3, 2019 nang i-post ni Ryan ang kuha niyang larawan ni Judy Ann, na nakahiga sa kama at labas ang hita.

Umani ng positive comments ang larawan ni Judy Ann, lalo pa’t hindi naman siya kilala sa pagkakaroon ng sexy image sa showbiz.

“Bagong gising kasi ako nun, e.

"‘Tapos nag-usap kami ni Ry. Sabi niya, ‘Diyan ka lang, wait.’

“'Tapos binuksan niya yung kurtina," paglalarawan ng aktres sa eksena nilang mag-asawa.

Naikuwento ito ni Judy Ann sa pocket presscon ng pelikulang Mindanao nitong December 12, Huwebes.

“Bakit kasi yun yung suot ko?” tanong ni Judy Ann, patukoy sa nakalislis na suot niyang white robe sa photo.

“Siyempre, pini-picture-an ako ng asawa ko, hindi ba ako a-awra?”

Binigyan daw ni Judy Ann ng permiso si Ryan na ilabas sa social media ang kanyang larawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabi naman niya sa ‘kin, ‘O, ipo-post ko na ito.’

"'Mukhang okey naman, sige.' May approval ko naman.

“Para sa akin, if that’s the way my husband sees me, bakit ko naman ipagkakait sa universe yun?

“Minsan lang ako magpa-legs, magpa-Pasko naman.”

Ang larawan ay kuha mula sa bakasyon ng mag-asawa sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Judy Ann, “Nanood kami ng U2.

"Matagal na siyang naka-schedule, so mukha lang nag-celebrate kami for the trophy, for the winning."

BEST ACTING AWARD FOR MINDANAO

Ang tinutukoy ni Judy Ann ay ang pagkapanalo niya ng Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa kanyang pagganap sa Mindanao.

“Pero matagal na talaga siyang naka-set.

Malaki ang pasasalamat ni Judy Ann sa kanyang international award na idinasal daw niya noon.

“Good na nga ako. Kahit apat na Pasko pa, e.

“Good na ako, okey na ‘to. Puwedeng-puwede...”

Ang Mindanao, na idinirehe ni Brillante Mendoza, ay entry rin sa Metro Manila Film Festiva 2019.

JUDAY Evades QUESTION ABOUT BABY PLANS

Paiwas namang sinagot ni Juday nang matanong kung balak nilang sundan ni Ryan ang bunsong anak na si Luna.

“Saan?” sabi ng aktres.

Ani Juday, nagkakaroon siya ng weight problem sa tuwing mabubuntis, gaya ng nangyari sa kanya nang ipagbuntis si Luna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Para akong kumain ng sampung bata. Pag nabuntis, alam na alam mong buntis ako.”

Inabot daw ng taon bago nabawi ni Judy Ann ang kanyang ideal weight.

“Mas matagal yung pag-lose ng weight kay Luna kesa kay Lucho.

“Kay Lucho kasi, eight months pa lang na-reach ko na yung goal, e.

“Eto, parang four years old na si Luna, parang hindi ko pa nari-reach yung goal, e,” nangingiting paliwanag ni Juday.

Sina Juday at Ryan ay may tatlong anak: sina Yohan (15), Lucho (9), at Luna, na mag-aapat na taon sa January 2020.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Judy Ann Santos on why she allowed husband Ryan Agoncillo to post her sexy photo on social media: "Siyempre, pini-picture-an ako ng asawa ko, hindi ba ako a-awra?”
PHOTO/S: Noel Orsal / @ryan_agoncillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results