Jeremiah Tiangco, papauwiin na ang amang nawala sa piling nila ng 30 taon
Nanalong Clasher na si Jeremiah Tiangco, ikinuwento kung para saan ang kanyang panalo.
Kabilang sa mga dahilan ng pagsali sa The Clash at paghangad na manalo ni Jeremiah ay ang kanyang ina, ang pinsan niyang kinupkop na ng pamilya nila, at ang amang nagtatrabaho sa barko na matagal nang nawala sa piling nila.
Ani Jeremiah, "After 30 more than years po, yung papa ko po, mapapauwi ko na.
"Kasi since 19 years old po siya, nagtatrabaho na po siya."
Ipinangako raw niya rito na kung mananalo siya sa The Clash, priority niya ang kanyang ama, ina, at pinsan.
Si Jeremiah ang tinanghal na kampeon ng second season ng reality talent search show ng GMA-7 na The Clash na ginanap ang grand finals nung Linggo, December 15.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel





