May ilang netizens ang kumuwestiyon sa pisikal na hitsura ni Heart Evangelista matapos niyang ibahagi ang kanyang "no-make-up" photo sa Instagram noong December 14.
Nilinaw naman ni Heart sa caption na nakasuot siya ng eyelash extension at gumamit ng clear mascara para well-groomed ang kanyang kilay.
Sa comments' section, isang netizen ang nagtanong kung sumailalim ba ng cosmetic enhancement si Heart upang magpalagay ng talukap.
"Nagparetoke po ba NG eyelid c Ms heart? Nagpalagay NG talukap, dati kasi wala chinitng chinita xa," komento ng netizen.
Sagot ni Heart: "if it makes you feel better :) pag sa heaven magkakaalaman na!"

Dati nang bukas sa pagsasabi si Heart na wala siyang ipinaayos sa kanyang mukha.
Sa kanyang YouTube vlog noong Marso, muling pinabulaanan ni Heart ang espekulasyong nagpalagay siya ng talukap.
"When I'm older I would definitely see what I can do, nothing extreme but to maintain.
"But I did not get eyelid surgery. I think it also comes with aging."
HEART'S "NO MAKEUP" LOOK
Sa pagpapatuloy ng comments sa no-makeup look ni Heart, may ilan pang netizens ang nagsabing hindi sila naniniwalang walang makeup ang Kapuso actress sa litrato.
Puna ng isang netizen, tila may contour makeup si Heart sa pisngi nito.
"No make up make up probably. I can see the contour and highlights but beautiful either way," sabi nito.
Pero paglilinaw ni Heart, "the contour you see is actually my melasma . :)
"I only used clear mascara to shape my brows and carmex actually :)
"I’m too old to pretend :) filter maybe of my ig helped :)"

Ang melasma o pekas ay tumutukoy sa brown o gray pigmentation na mas nadadagdagan dala ng sun exposure.
Itinanggi rin ni Heart na sumailalim siya sa micro blading o isang uri ng semi-permanent tattooing upang pagandahin ang kanyang kilay.
"Microbladed?" tanong ng netizen.
"I can't do that :( I scar bad! Although I did put clear mascara from @maccosmetics to shape the brows," sagot ulit ni Heart.

May isang netizen na kumontra na walang make-up si Heart dahil tila "full of foundation" daw ang mukha ng aktres.
Pero ani Heart, "I don't do foundation."

Komento pa ng isang netizen, "Di nga walang makeup yan.."
Sagot ni Heart, "just lashes and lip balm :)"

HEART UNFAZED BY DETRACTORS
Sa kabila ng mga kumukuwestiyon kay Heart, may ilang netizens ang pumuri at nagtanggol sa kanya.
"I hate that people have to spread hate here. I know you know it but you're beautiful either way, Miss Love Marie!" sabi ng isang netizen na ginamit ang tunay na pangalan ni Heart na Love Marie.
Sagot naman ni Heart, "let them :) it's fine :)"

Narito ang ilan pang comments ng netizens na humahanga sa "natural beauty" ng Kapuso actress:

