Atasha Muhlach, mag-a-actress o magbi-beauty queen?
Sa premiere night ng pelikulang pinagbibidahan ng kanyang amang si Aga Muhlach, ang Miracle in Cell No. 7, tinanong si Atasha Muhlach kung ano ang pipiliin niyang gawin kung saka-sakali: Ang maging aktres o maging beauty queen?
Kasama ni Atasha sa interview ang ina niyang si Charlene Gonzalez-Muhlach na nagsabing todo-suporta siya kung anuman ang pipiliin ni Atasha.
Sabi pa ni Charlene, suportado nilang mag-asawa kung anuman ang gustong gawin ng kanilang mga anak na sina Atasha at Andres, sa kundisyon na tapusin muna nila ang kolehiyo.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel





