Libu-libong netizens ang nag-react sa two-word tweet ni Janine Gutierrez tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
Miyerkules ng umaga, December 18, nang i-retweet ng 30-anyos na Kapuso actress ang artikulo ng GMA-7 tungkol sa bagong show ng senador sa network.
Ayon sa artikulo, sa susunod na taon na muling mapapanood sa GMA-7 si Bong, sa bago nitong show na Agimat ng Agila.
Caption ni Janine sa ipinost na artikulo: “Oh God”
Oh God https://t.co/iDT0KSWsIU
— ????JANINE (@janinegutierrez) December 18, 2019
Isang netizen ang nagkomento ng “HAHAHAHAHAHAHA!” sa tweet ng aktres.
Sinagot siya ni Janine: “Di ko kaya besh”
Muling reply ng netizen: “Yeaaah. Thanks for being honest, Janine! (heart emoji)”

Isang surgical mask emoji naman ang komento ng kapwa Kapuso artist ni Janine na si Mikoy Morales.

Ilan sa Twitter followers ni Janine ang nagpahayag ng paghanga sa aktres sa matapang na pagpapahayag ng kanyang opinyon kontra sa sariling network.





Nauna nang kinontra ng veteran singer na si Jim Paredes ang pagbabalik-telebisyon ni Bong, 53 anyos.
Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang lumabas ang balita tungkol sa pagkakaroon ng senador ng bagong show sa GMA-7.
Nag-react si Jim, tweet niya: “PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan?
“C’mon GMA. You can do better than this.
“Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question.
“They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people.”
December 2018 nang makalaya si Bong makaraang mapawalang-sala sa plunder dahil sa pagkakasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam noong 2013.
Apat na taon at anim na buwan siyang nakulong sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Quezon City.
May 2019 nang muli nahalal bilang senador ang actor-turned-politician.
