Bakasyon muna ang Kapuso actor na si Benjamin Alves sa paggawa ng teleserye dahil mas gusto niyang mag-travel kasama ang model-girlfriend na si Chelsea Robato.
Sa Instagram post ni Benjamin last December 20 ay nasa pamosong Tumon Bay beach ito sa Guam.
Nilagyan niya ito ng nakakatuwang caption na: "Feeling cold, might have peed later."
Sa isang post naman ay nilagay niya ang caption na: "I love you, you beach."
Huling napanood si Benjamin sa afternoon teleserye ng GMA-7 na Nang Dahil Sa Pag-ibig.
Noong magtapos ito noong October 4, 2019, wala pang naging kasunod na teleserye ang aktor at parati itong nakikitang kasama ang kanyang girlfriend na laman ng kanyang social media account.
Bukod sa parati silang nasa beach sa Guam, nakapag-travel din sila sa Japan at Singapore.
Sa magkakahiwalay na IG posts ni Benjamin last August 10, 12, and 21 kunsaan kasama niya si Chelsea, ito ang nakalagay na captions: "Anywhere feels like home when I’m with you. @chelseamaey," "Chelsea Robato is important. #chelseamaeappreciationpost" and "'Cause it's a beautiful night, we're looking for something dumb to do. Hey baby, I think I wanna marry you."
Huling namataan si Benjamin sa GMA Network Center noong mag-renew ito ng kanyang kontrata last November 20, 2019.
"This has always been my home. I've always felt that from the time when I started. I feel so humbled and honored na, after all these years, they... still believe in me and they let me grow as an artist and also as a person," sey ni Benjamin sa kanyang contract signing with GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable, GMA AVP for Alternative Productions Gigi Lara, GMA Artist Center Senior Talent Manager Daryl Zamora and Benjamin's manager Jonas Gaffud.
Nanatili rin si Benjamin bilang ambassador ng GMA Network Excellence Award (GNEA).
