Mainit na mainit ang Pasko at Bagong Taon ni Kiray Celis dahil sa paglantad niya ng kanyang non-showbiz boyfriend, na two months na niyang karelasyon.
Sa Instagram post ng 24-anyos na Kapuso comedienne nitong December 28, Sabado, Niños Inocentes, may mahaba siyang mensahe para sa non-showbiz boyfriend na hindi niya pinangalanan.
Narito ang pahayag ni Kiray (published as is):
“Simula ng makilala ka, nagbago ang pananaw at saya.
“Pwede palang matulog na panatag at hindi mabigat ang puso.
“Pwede palang gumising na alam mong hindi ka niloloko at alam mong sayo lang yung taong mahal mo.
“Dahil alam mo sa sarili mo kung paano ka magmahal. Na yung nabibigay mo, naibabalik rin sayo ng walang effort at may kusa kasi deserve mo.
“Ganito pala magmahal. Ang sarap magmahal ng tamang tao. Proud sayo. Mahal ng pamilya mo. Taong marespeto at gagawin ang lahat mapasaya ka lang ng todo.
“Madalas kaya dumadating at umaalis yung mga taong hindi para satin para matuto tayo. Para pag dumating yung tama, mas malakas na tayo. Para mas matapang na tayo.
“Kaya wag ka titigil magmahal. Maloloka ka, masasaktan, madadapa pero darating yung taong aakayin ka paakyat, ipaparamdam sayo yung worth mo.
“At unang iiyak pag may narinig na hindi maganda tungkol sayo. At ipaglalaban at ipagtatanggol ka sa kahit na sino.
“Tomboy, bakla, babae man o lalaki, deserve natin mahalin ng totoo. Deserve natin mahalin ng tayo lang. deserve natin irespeto. Deserve natin sumaya. DESERVE NATIN NG KAGAYA NILA ??????”
Noong December 18 unang ipinakita ni Kiray sa kanyang Instagram ang non-showbiz boyfriend, na kasama niyang nagbakasyon sa Baguio City.
“You can be in a relationship for two years and feel nothing. You can be in a relationship for 2 months and feel everything.
"Time is not a measure of quality, of infatuation or of love,” caption pa ni Kiray sa larawan nilang dalawa.
Sa isa pang post, caption ni Kiray: “Happiness comes from contentment.”
November 2019 nang magkaroon ng boyfriend si Kiray. Kaya sa post niya noong November 24, nag-caption siya tungkol sa pagmamahal niya sa tamang tao.
Aniya, “Ang sarap siguro mahalin ng tamang tao.
"Wala sigurong mali sa tamang oras. Wala sigurong sayang na effort sa taong nakakaappreciate. Wala sigurong selos at away kung wala siyang ginagawang mali.
"Ang saya sigurong ipagsigawan sa buong mundo kung sinong mahal mo kung proud rin siya sayo. Masarap siguro titigan yung taong sayo lang rin naka tingin.
"Halos lahat ng bagay walang KASIGURADUHAN. Pero naka depende sa tao kung paano niya maipapakita at maipaparamdam."
