Nagsalita si Coleen Garcia, 27, tungkol sa naging drinking problem ng asawang si Billy Crawford, 37.
Noong November 2019, inamin ni Billy na isa sa mga dahilan ng pagpayat niya ay ang pagtigil sa bisyong pag-inom ng alak.
Ginawa ni Billy ang pag-amin sa isang episode ng ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.
Ayon kay Coleen, ang pinakamasayang bahagi ng pagiging asawa niya ay makita ang mister na itinigil ang masamang bisyo nito.
“He quit alcohol for more than a year now, talagang ibang-ibang tao na siya ngayon.
“And he’s cool with his temper and everything, and very reasonable to talk to.
“Level-headed na, hindi na siya yung nag-a-outburst kagaya ng dati.”
Sabi ng aktres, walang kaso sa kanya ang weight problem ni Billy dati.
“Well, I mean, the weight wasn’t really a problem, but it became, like, a side effect of everything.
"I guess, a side product of quitting all the bad habits was losing the weight.”
Sabi pa ni Coleen tungkol sa pagbabago ni Billy, “Ang saya!"
“Yun talaga yung… I maybe just speaking for myself, but as wife, yun ang pinaka-pinaka happiness talaga na makukuha ko, na I’m able to influence my partner to be better, yung maging source of inspiration ka na ganun.
"Kasi ganun din naman siya para sa akin."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Coleen sa press conference ng upcoming movie na Mia, na pinagbibidahan din ni Edgar Allan Guzman.
Ginanap ang presscon sa Limbaga 77 Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, ngayong Biyernes, January 3, 2020.
COLEEN ON BILLY’S DRINKING PROBLEM
Kinumpirma rin ni Coleen ang sinabi noon ni Billy na nakakaubos itong mag-isa ng isang bote ng alak.
Saad ng aktres, “Actually, kasi si Billy, he used to drink at home.
“Nakakaisang bottle siya on his own.
“It’s really not healthy, it’s not productive, it’s not good for you in any way talaga.”
Pinuri naman ni Coleen si Billy na nagkusa itong itigil ang pag-inom nito.
“With Billy kasi, he’s not the type na kailangan mong sabihin na mag-stop ka ng ganito.
“Kasi even yosi, nag-stop na siya ng six years or almost six years [ago].
“Even yun, ang hirap-hirap nun.
“You will not know how hard it is to give up cigarette, even any… just, like, general, like, bad habits you’re trying to get rid off.
“Pero andun yung determination niya, and he really worked hard at it.
"Talagang pag nag-no na siya… ‘I’m not gonna do this again,’ hindi na talaga siya bumalik.”
Napatunayan daw ito ni Coleen nang makainom si Billy sa araw ng kanilang kasal noong April 20, 2018.
“It actually happened before, na he quit na before the wedding.
“Nag-quit na siya for more than a year na for alcohol, pero nung wedding kasi, siyempre uminom kami, so nagpakasaya kami... We celebrated with everybody.
"And after that, parang naging one drink, one drink na lang siya.”
COLEEN ON HER FIRST TITLE ROLE
Matagal na sa showbiz si Coleen, pero ngayon lang siya nabigyan ng first title role sa isang pelikula. Ito ay sa pamamagitan ng Mia.
Aniya, sulit ang kanyang paghihintay kahit natagalan bago siya mabigyan ng ganitong proyekto.
Lahad niya, “Itong Mia kasi, we shot it last year pa, so medyo matagal na rin since we last shot this.
“Pero dumaan lang siguro ang almost two years na I didn’t do a film and I just wanted the next one to be different, I just want the next one to be good and I want to do, and something I want to be proud of.”
Dugtong niya, “I was just looking for that something different and it took a while for it to get to me, and I really waited for it.
"So, eto na yun. Ito yung Mia.
“It’s everything I hoped it to be.”
Ang Mia ay idinirehe ni Veronica Velasco at ipinrodyus ng Insight 360 Films at Viva Vilms. Ipalalabas ito simula sa January 15, 2020.
